𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 6: 𝐊𝐰𝐞𝐤-𝐊𝐰𝐞𝐤

7.3K 178 63
                                        

Naputol ang pagsasalita ni ma'am Hanna nang makarinig kami ng katok mula sa pinto. Lahat kami ay napalingon doon at nang mabuksan na ni ma'am yung pinto ay bumungad ang isang estudyante.

"Good morning po, ma'am. Sorry for interrupting your class pero dito po ba ang klase ni Avika Monterey ngayon?" tanong niya kaya mabilis na napukol ang mga mata nila sa akin.

"Yes, she's here. Why?" pagtatakang tanong ni ma'am Hanna.

"The university president is calling for her po" sagot niya.

Tila nabato tuloy ako sa kinauupuan ko nang mabanggit niya ang university president. Seryoso?

Kunot noo namang lumingon sa akin si ma'am Hanna. Malamang iisa lang ang iniisip ng lahat ng tao na nandito sa loob ng lecture room, including our current instructor. May nagawa akong violation but no, wala akong maalala na nalabag ko o kung ano pa man.

"Avika, please come with her" sabi sa akin ni ma'am Hanna.

"Opo. Pupunta na po" sagot ko na lang kahit na para na akong bibitayin sa kaba.

"Hala lagot ka!" pang-aasar ng blockmate ko na si Kiersten.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin bago isinukbit ang bag ko sa kaliwang balikat. Wala naman akong maisip na kung ano mang violation na nagawa ko kaya bakit ako pinapatawag ng president?

Tahimik akong sumunod sa babae. My mind was too occupied with negative things. Sumanggi na rin sa isip ko yung banta ni Ms. Abenson weeks ago na isusumbong niya ako sa president, regarding on what I did.

"Alam mo na ba kung saan ang office ni ma'am Ashleigh dito?" biglaang tanong ng babae kaya bumalik ako sa ulirat. Lately parang napapadalas ata ang mga lutang moments ko.

Kanina pa ako sunod ng sunod sa kaniya pero hindi pa rin kami nakakarating sa office ni Ms. Dixon.

"Hindi pa, ate" sagot ko.

Tumawa naman ito na parang isang anghel kaya tiningnan ko siya ng may pagtataka.

"Oh sorry. Natawa lang kase ako sa pagtawag mo ng ate sa'kin. I'm not that older naman" sagot niya.

Sakto naman ang pagbukas ng elevator sa harapan namin kaya hindi ko na nagawa pang sumagot. Nauna siyang pumasok bago ko sinundan.

Pagkapasok namin ay pinanood ko lang siyang pinindot ang last floor sa building na ito. I could still remember this building. Ito rin kase yung building na kauna-unahan kong pinuntahan nung mag-eenroll ako for scholarship.

"Mukhang masakit nga 'yang sugat mo" bigla niyang komento kaya napatingin ako sa siko ko.

"Medyo" maikli kong sagot.

Grabe totoo nga yung sinabi nung nurse. Tuklap ang balat sa siko ko kaya pala ganoon na lang ang kirot. Kagaya rin ng inaasahan sermon ang inabot ko kay mama. Halos mag-iisang oras din siyang nagbunganga kagabi. Kesyo ako ba raw si Darna para isakripisyo yung sarili ko? Kahit sino naman siguro gagawin yung ginawa ko lalo na at isa sa mga professor dito sa university yung tatamaan ng bola. Even though, she's not my professor gagawin ko pa rin iyon.

"By the way, I'm Beatrix, student council's president" pagpapakilala niya sabay offer ng kamay niya for a handshake.

Ngumiti rin siya na nagpalabas ng pearly white teeth niya. Lintek lahat na lang ba ng babae dito ganito kaganda?

Parang bigla tuloy akong nahiya. Hindi ko naman kase kilala ang mga student council dito.

Kahit na nahihiya ako ay nagawa ko pa ring ngumiti at tinanggap yung kamay niya.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon