"Good morning, ma!" I greeted cheerfully then gave my mother a kiss on her cheeks.
Imbes na matuwa ay salubong ang kilay na tumingin siya sa'kin.
"Bakit parang ang saya-saya mo ata?" takang tanong niya habang inaayos ang almusal namin sa mesa.
"Po? Hindi naman po. Normal na sa'kin 'to" inosente kong sagot.
"Anong normal eh madalas ka ngang nakabusangot sa tuwing gigising ka" sagot niya.
Nagtaka naman ako nung tumigil siya sa ginagawa niya at pinangliitan ako ng mga mata.
"Baka nagboboyfriend ka ng bata ka ha! Masusuntok ko talaga iyang lalaki na 'yan, Yvonne" pagbabanta niya kaya muntikan kong maibuga yung hinihigop ko na kape.
"Ma, naman. Kapag masaya na ibig sabihin may boyfriend agad? Hindi ba pwedeng kumpleto lang ang tulog?"
Sa tuwing maganda na lang ang mood ko ay lagi niya akong pinagkakamalang may boyfriend. Jusme ni hindi nga sumanggi sa isip ko na magkaboyfriend kahit noon pa man. Mga crush lang pero literal na paghanga lang yun.
"Siguraduhin mong nagsasabi ka ng totoo kundi-- naku talaga" parang may gigil na siya ngayon kaya napailing na lang ako.
Nasa kalagitnaan na kami ng umagahan nung mapansin ko ang mga papel sa may salas.
"Sa inyo po ba yung mga papel sa salas?"
"Oo. Mag-aapply na ako mamaya" sabi niya kaya napatitig ako sa kanya. Nabanggit niya sa'kin na nag-usap na raw sila ni tita Martha pero hindi na niya binanggit yung mga pinag-usapan nila, curious man ay mas minabuti ko na lang na huwag mangialam. Basta ang sabi niya nagresign na raw siya sa restaurant.
"Good luck, ma. Malakas ang kutob ko na matatanggap ka agad niyan" I assured her. Nakatapos naman si mama ng 2 years Culinary Arts kaya malaki ang chance na makukuha agad siya.
"Naku sana magdilang anghel ka"
Saktong kakatapos lang namin kumain ay may kumatok sa gate. Nagkatinginan kami ni mama dahil sobrang aga naman ata nina Everlee dumating.
Akmang tatayo na sana si mama para buksan ang gate nang pigilan ko siya.
"Ako na po"
Habang papalapit sa gate ay nagtaka ako dahil ang tahimik ata nung dalawa ngayon. Wala kaseng umaga na nag-aaway ang mga yun sa tuwing susunduin ako.
"Bakit ang aga-aga ninyo-- Ma'am??" nanlalaki ang mga matang tumingin ako kay Ms. Abenson.
"Why? Am I not allowed to go here this early?"
"H-Hindi naman po kaso ano pong ginagawa ninyo dito?"
"Don't worry I'm not here for you. I'm here for Mrs. Monterey" walang kagatol-gatol niyang sabi.
Hindi ako nakaimik. Oh ano nanamang meron?
Hindi pa man ako nakakarecover ay nagdire-diretso na siya sa loob at nagawa pa niya akong sanggiin. She left me in awe.
"Wow sa'yo, ma'am" I expressed in disbelieve.
Pagkapasok ko ay nagkakamabutihan na yung dalawa. May nagbago talaga sa kanila after nung pag-uusap nila. Si Ms. Abenson parang ang weird nitong nakaraan tapos si mama parang ang bait-bait kay ma'am.
"Mabuti naman at nakadaan ka, Thaleia" tuwang-tuwa na sabi ni mama sa kanya. Kapag ako ang kausap niya ay nakasimangot siya pero kapag si Ms. Abenson na ay nakangiti pa. Aba'y magaling.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)
RomanceHillcrest Girl's Series #1: TANGLED HEART (Professor x Student) "Everyone has a secret to keep. It's just there are secrets that you wouldn't dare to let out" In a university full of elites, Avika Monterey got luckily accepted into North Hillcrest U...
