𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 4: 𝐓𝐡𝐞 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠

8.2K 183 44
                                        

Wednesday morning.

Naging maganda ang gising ko ngayong umaga. I hope ganoon din ang maging takbo ng araw ko.

It's my third day as NHU student and I could say that it's going well pa naman. Syempre walang klase kay Ms. Abenson kahapon kaya naging panatag ako. Ewan ko na lang ngayon.

Stepping inside my third class which happened to be her teaching subject, I spotted Callithea conversing with someone else.

Mukhang naramdaman niya ang presensya ko kaya nag-angat ito ng tingin sa akin. Okay here we go again.

Agad na nagbago ang hilatsa ng mukha nito pagkakita sa akin. Nagawa niya pa akong tingnan mula ulo hanggang paa sabay rolyo ng mata niya. Ngunit imbes na iconfront niya ako ay nagulat na lang ako nang humarap muli siya sa kausap niya at hindi na ako pinansin pang muli.

Wow anong meron? Kung dati walang araw na hindi niya ako binubully sa tuwing magkakasalubong kami pero bakit ngayon parang wala lang sa kaniya? Ito na ba yung tinatawag na character development? Hindi, malabo iyon eh. Pakiramdam ko bumubuwelo lang siya.

Hindi ko na lang din ito pinansin at nagdirediretso na lang sa paglalakad. Sinubukan kong hanapin sina Veronieka at Everlee sa mga nakaupo. Agad ko naman silang nakita sa may pinakadulong row. Seryoso ba? Diyan sila pupuwesto? Anong maririnig nila sa lesson diyan?

Pinuntahan ko na lang ang dalawa na busy sa pag-uusap. Kung noong lunes ay parang nahihiya pa sila sa isa't isa ay iba na ngayon. Mukhang mas close na nga sila kung titingnan mo.

"Ehem" I cleared my throat as I reached their seats.

"Avika!" I flinched when Everlee suddenly yelled at me.

"Makasigaw ka naman. Nandito lang ako oh" sabi ko kay Everlee. Iba rin talaga ang gaslaw nitong babaeng ito eh.

"Dito ka na umupo. Nireserve pa namin ni Veronieka 'yan" dagdag niya habang itinuturo ang upuan sa gitna nila.

"Sure kayo dito tayo uupo? Baka mapagalitan tayo ni ma'am dito" nag-aalalang sabi ko. Ayoko namang second day pa lang mapagalitan nanaman ang isa sa amin lalo na itong si Veronieka. Hindi lang halata pero alam kong sensitive siyang tao kaya kaunting sermon lang dinadamdam na agad niya. Buti nga nandiyan si Everlee na opposite na opposite niya para aliwin siya.

"Lah eh ano pang silbi ng last row kung 'di uupuan? Tsaka dinig naman dito si Miss terror" walang pakundangang sabi ni Everlee kaya agad namin siyang sinaway ni Veronieka.

"Ikaw talaga kontrolin mo nga 'yang bunganga mo. Ano gusto mo sabay-sabay tayong maexpel dito?" panenermon ko rin sa kaniya.

Ngumisi lang ito na parang nang-aasar pa.

"I wouldn't mind though" sagot niya.

Napailing na lang ako sa mga lumalabas sa bibig niya. Iyan ang isa sa ugaling napansin ko kay Everlee first day pa lang. May pagkamahangin siya pero sa bagay may ipagmamayabang naman talaga siya hindi katulad ko. Kaso nga lang baka iyan din ang makapagpahamak sa kaniya kaya dapat hanggang maaga ay kinokontrol niya iyan.

"Bigla atang lumakas ang hangin dito" sabi ko bago tuluyang umupo sa gitna nilang dalawa.

Tumawa lang ito na nagpalabas ng halos perpekto na niyang mga ngipin. Naniningkit din ang mga mata niya sa tuwing natawa siya. Hanep napakagandang babae pero mas siga pa sa lalaki kung kumilos ngayon.

Maya-maya pa ay biglang may nagring na phone. Lumingon kami kay Veronieka na kakatigil lang din sa pagtawa. Kitang-kita ko ang pagsalubong ng halos perpekto na niyang kilay.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon