"Everlee, ingatan mo ang unica ija ko" bilin ni mama sa kaibigan ko.
"Of course, tita. Asahan ninyong makakauwi siya ng buo" tugon naman niya.
"Ang oa ninyo. Sa party lang ako aattend hindi po sa gyera, mama" singit ko sa dalawa na kung magbilinan ay akala mo susugod ako sa gulo.
"Tumigil ka nga, Avi. Hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sa'yo dyan sa labas. Lapitin ka pa naman ng disgrasya" saway ni mama sa'kin.
"Dapat kase sumama ka na lang po eh"
"Hindi nga pwede at ako ay may ubo't sipon. Gusto mo bang hawaan ko kayong lahat dun?"
"Oo na po. Magpahinga kayo pagkaalis namin" this time ako naman ang nagbilin. Kahit manghinayang ako ay mas uunahin ko pa rin ang kalusugan ni mama. Sayang lang at dalawa sila ni tita Isabelle na hindi makakaattend. Mas masaya sana kung kumpleto kami.
"Sige na, sige na. Umalis na kayo" sabi niya at kunwari'y itinaboy pa kami.
Hindi na rin kami nagtagal at bumiyahe na kami. Susunduin din namin sina Carlo. Masaya ako na medyo nakakarecover na si Carlo kahit papaano yun nga lang hindi pa rin napapanagutan yung nangyari sa kanya.
"Nasaan yung regalo mo?" tanong ko kay Everlee at luminga-linga sa backseat.
"Papadeliver ko na lang. Hindi tayo kakasya kapag dinala ko" sagot niya.
"Eh bakit kase ang laki-laki ng binili mo?"
"Hindi ba death anniversary ng mama niya ngayon?" tanong niya na bahagyang nagpagulat sa akin.
"Alam mo?"
"Of course. Walang hindi ako malalaman kapag ginusto ko, Avika"
"I bought that para naman kahit wala tayo sa tabi niya ay hindi niya maramdamang nag-iisa siya" seryosong sagot niya.
I watched her for a few seconds. Well, that's what she is. Maaaring may kayabangan minsan si Everlee pero may katangian siyang kami-kami lang din ang nakakaalam. She's such a caring and sweet person, it's just she doesn't want to verbalize it sometimes.
Pagdating namin sa condo ni Carlo ay handang-handa na sila ni tita Amy. Kahit lambutin 'tong si Carlo ay hindi maitatangging ang gwapo niya.
Inalalayan ni Everlee si Carlo dahil medyo hindi pa ayos ang paglalakad niya although hindi na siya nagamit ng saklay.
"Ready na po ba kayo, tita Amy?" ako naman ang kumapit kay tita Amy.
"Oo kaso ninenerbyos ako, iha. Hindi ba pang-elegante lang ang party ni Veronieka?" tila kinakabahan niyang tanong.
"Tita, ano ka ba? Hindi mo naman kailangan maging elegante para umattend dun. Si Veronieka lang yun kaya huwag kang mahihiya" wika ko.
Ngumiti lang siya nang tipid. Inalalayan ko rin siyang makapasok sa loob ng kotse at nang handa na ang lahat ay lumarga na agad kami.
Mga 20 minutes bago kami nakarating sa nasabing venue. It's a private club house inside the subdivision where Sebastian's family is residing. Malawak ito at kayang-kaya mag-accomodate ng isang malaking event.
Sa itsura pa lang ng mga kotse ng mga bisita ay halatang hindi basta-bastang mga tao ang bisita rito. Kung kanina ay si tita Amy ang kinakabahan ngayon naman ay ako na.
Napailing ako. I shouldn't be thinking this way. Birthday 'to ng kaibigan ko kaya hindi pwedeng uunahin ko ang hiya ko.
Bumaba na kami ng hagdan since underground style 'tong clubhouse. Nang makapasok na kami sa loob ay medyo marami na rin ang mga tao. Yung iba hindi pamilyar at sa tingin ko ay mga family friend o mga kamag-anak nila Veronieka.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)
RomanceHillcrest Girl's Series #1: TANGLED HEART (Professor x Student) "Everyone has a secret to keep. It's just there are secrets that you wouldn't dare to let out" In a university full of elites, Avika Monterey got luckily accepted into North Hillcrest U...
