𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 13: 𝐇𝐨𝐭 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐨𝐥𝐝

6.2K 153 27
                                        

My heart skipped a beat nang bumukas na ang pinto ng silid kung saan kami tinuturuan ni Ms. Abenson. Kahit na malakas ang kutob ko na hindi naman talaga galit si Ms. Abenson sa akin ay hindi ko pa ring maiwasang hindi kabahan. Napakamoody kase niya at paano kung bigla na lang siyang mainis sa'kin today o kaya dun sa ginawa ko last Saturday? Ay bahala na kung anong mangyayari.

"Good morning" Ms. Abenson greeted us as she made her way in the center.

"Good morning, Ms. Abenson!" we greeted back in unison.

I stared at her, observing her facial expression kung nasa mood ba ito o wala but I can't figure it out. Masyadong plain ang ekspresyon nito para mabasa kung anong nararamdaman niya.

Hindi pa man nakakailang segundo ay napansin ko namang wala itong dalang gamit panturo.

"We have an urgent meeting in 15 minutes so I won't be able to instruct today but I have an extra activity to leave so make sure to pass it before you go home" panimula niya.

Pagkatapos noon ay ipinaliwanag niya lang ng saglit ang gagawin naming activity bago nagpaalam sa amin. I felt relief knowing na hindi siya magtuturo sa klase ngayon dahil mababawasan ang interaction namin. Maganda na rin yung ganto to avoid unnecessary arguments.

I watched her turned her back to leave but then halted immediately.

"And before I forgot, pass all your papers to Monterey. I won't accept late papers" huling sabi nito bago lumabas ng lecture room. Ni hindi man lang niya ako nilingon.

Nagkibit balikat na lang ako at nagsimula na lang gumawa ng activity na pinapagawa niya. Akala ko pa naman hindi ko na siya makikita ngayong araw, nagkakamali pala ako.

Mabilis ang naging takbo ng oras kaya ito nasa loob na kami ng cafeteria at kasalukuyang kumakain ng lunch namin.

"Mukhang napapadalas ang pag-uutos sa'yo ni Ms. Abenson ah. Ano Avika nagiging teacher's pet ka na ata?" komento ni Everlee habang may ngisi sa labi.

Sinamaan ko naman ng tingin ito. Hindi talaga ako titigilan ng gunggong na 'to eh. Paano pa kaya kung malaman nilang magkasama kami nung Saturday? Malamang puro asar na lang natanggap ko sa kanya.

"Everlee, tigilan mo na nga kakaasar kay Avika. Masyado ka talagang maissue" pananaway ni Veronieka.

"Sus palibhasa walang nalilink sa'yo kaya naiinggit ka. Landi-landi rin kase para makarelate ka sa'min 'di ba, Avika??" pang-aasar naman nito sa isa pa naming kaibigan.

"Tatahimik ka o papasukan ko ng lumpia 'yang bibig mo ha??" gigil kong sabi nang itutok sa pagmumukha niya ang Lumpiang Shanghai na hawak-hawak ko. Baka mamaya maissue talaga ako dahil sa kaingayan ng bunganga nitong babaeng 'to.

Mabilis naman itong nanahimik. She even raised her hands in the air like she was surrendering kaya tatawa-tawa tuloy si Veronieka sa kanya.

"If I were you 'di ko na babalaan 'yan. Sasaksakin ko na agad nang manahimik" suhestyon ni Veronieka kaya siya naman ang nakatanggap ng isang masamang tingin kay Everlee.

"Napakasadista ninyong dalawa ano? Parang hindi mga--" naputol ang sasabihin niya nang may tumawag sa atensyon ko.

"Avika?" agad ko itong nilingon and I was met by Kendrix' smiling face. Wala siyang suot na face mask ngayon kaya kung hindi lang dahil sa ngiti nito ay hindi ko ito makikilala.

"Kendrix?"

"Oh glad you remember me. Akala ko nalimutan mo na ang gwapong mukha ko eh" sabi nito sabay hawi sa kanyang buhok gamit ng mga daliri niya.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon