"Mga kupal, did you hear about what happened yesterday? Yung about sa isang professor daw na inatake ng asthma?" tanong sa amin ni Everlee pagkalapag niya ng tray niya sa table.
Napatigil tuloy ako mula sa paggalaw dahil dito.
"Oh yeah about that?" sagot ni Veronieka.
Tumingin ako kay Veronieka na may halong kaba. Lagot ako nito kapag may alam nga siya tungkol doon lalo na at kapatid pa siya ng isa sa mga professor dito.
Kinakabahan lang naman ako dahil ayokong madamay sa mga chismis na iyan at saka may kung anong nagsasabi sa akin na dapat kong itago na lang ang nangyari. Syempre sangkot doon si Ms. Abenson kaya once na madawit ang pangalan niya ay paniguradong ako agad ang sisisihin niya.
"Ay oh may alam ka no? Si bebe Venize nga pala ate mo" saad ni Everlee kaya nakatanggap siya ng matatalim na tingin mula kay Veronieka.
"Mt. Everlee, tigilan mo kakatawag ng bebe sa ate ko ha" sabi nito.
Ito kaseng kaibigan namin ay umaming may crush kay ma'am Venize. Kaya pala ganoon na lang siya kung manahimik kapag nandyan si ma'am. Mahangin na torpe.
"Veronieka, chill. Ang layo-layo ninyong dalawa ng ate mo. Ang bait-bait nun tapos ikaw napakasungit mo" pang-aasar pa ni Everlee.
"Eh 'di doon ka kay ate" bigla na lang nag-iba ang tono ng boses ni Veronieka. Nagawa pa niyang magdabog.
Nagkatinginan kami ni Everlee. Habang siya ay nakakunot na ang noo ay nakangisi naman ako.
"Lagot ka" I mouthed to her.
Everlee cleared her throat. Tatlong beses niya itong ginawa para siguro makuha ang atensyon ni Veronieka na ngayon ay nakain na.
"Gaga ka kase. Suyuin mo na" pang-aasar ko sabay pigil ng tawa.
Kung hindi ko lang kilala itong dalawang ito ay mapagkakamalan ko na talaga silang may relasyon. Napakagulo nila samantalang napakahinhin ni Veronieka noong unang beses kaming nagkita.
"Bakit ako?? Nagbibiro lang naman eh" she whispered yell.
"Sabihin mo 'Veronieka, sorna uwu'" pang-aasar ko sabay pinagdikit ang dalawang dulo ng hintuturo ko. Nahihirapan na nga akong magpigil ng tawa dito.
"Tumigil ka na nga. Wala kang dulot" naiinis na ring sabi ni Everlee.
Aasarin ko pa sana siya nang bigla na lang may tumapik sa balikat ko. Paglingon ko ay bumungad sa akin ang matamis na ngiti ni Beatrix. My smile faded away in a quick.
"Ano Avika napag-isipan mo na ba?" tanong niya sabay upo sa tabi ko.
Tiningnan naman siya ng dalawa na punong-puno ng pagtataka.
"Bea, 'di nga ako sasali doon. Ayoko at 'di ako nakalinya para dyan" desididong sagot ko.
"But come to think of it. Hindi lang pangalan mo ang dadalhin mo kundi pati na rin yung buong Psychology department. You could also help to other people" sabi pa niya ngunit iniling ko lang ang ulo ko.
Lumingon ako sa dalawa at bakas pa rin sa mga ekspresyon nila ang pagtataka.
"I'm sorry Bea pero desidido na talaga ako. Hindi ako sasali sa pageant na 'yan"
I heard her sigh na para bang hindi yun ang inaasahan niyang sagot ko.
Kahapon pa kase siya namimilit sa pagsali ko sa pageant for a cause na iyan.
*
"Of course I am now... but before everything else I need to talk something important to you" pagkasabi niya nun ay hinila na niya ako.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)
RomanceHillcrest Girl's Series #1: TANGLED HEART (Professor x Student) "Everyone has a secret to keep. It's just there are secrets that you wouldn't dare to let out" In a university full of elites, Avika Monterey got luckily accepted into North Hillcrest U...
