𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 21: 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐂𝐫𝐮𝐬𝐡?

5.6K 196 84
                                        

Today is Saturday and after a one whole week of hell, natapos na rin sa wakas ang midterm exam.

Ang kauna-unahang sumalubong sa akin pagkadilat ko pa lang ng mga mata ay ang message galing sa group chat namin nina Everlee. Nagplano raw sila ng celebration para sa pagkapanalo ko last week. I blankly stared at my phone's screen for a couple of minutes but eventually napagdesisyonan kong huwag na muna magreply. Hindi 'yan ang iniisip ko kung hindi si mama.

Maaga pa kaya inaasahan kong maaabutan ko siya sa kusina o 'di kaya'y sa dining area kaya bumaba na agad ako. Sinadya kong gumising nang maaga kahit walang pasok dahil ilang araw na niya akong hindi kinakausap simula nung nalaman niya ang tungkol sa ginawa ni Klinton. Sobrang tahimik niya rin kaya nangangamba akong baka isang araw sumabog na lang siya sa galit.

Naabutan ko siyang naghahanda na paalis sa salas. Nang maramdaman niyang pababa na ako ay nagmadali na itong kumilos.

"Ma, pwede po ba--"

"Pinaghanda na kita ng almusal at tanghaliin mo para mamaya. Kung may lakad ka sige pinapayagan kita. Kailangan ko ng umalis" pagputol niya sa sinasabi ko ng hindi man lang ako tinitingnan.

Napatanga na lang ako sa kanya hanggang sa makalabas na siya ng pintuan.

Tanghali na nung napag-isipan kong replyan ang message ni Everlee. Hindi lang si Everlee ang nagpaalala tungkol sa celebration kung hindi pati si Beatrix. Pumayag na akong sumama tutal kasama din sina Veronieka at Kendrix. Gusto ko munang magliwaliw panandalian dahil madami na ang mga nangyari nitong nakaraang buwan.

Nang malamang mag-isa lang uli ako sa bahay ay kaagad na pinuntahan ako ni Everlee. Sabi niya ay sa bahay na lang daw muna nila ako tumambay para sabay na kaming mag-ayos papaalis mamaya.

Hindi ako umiimik habang nasa byahe kami. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari sa mga susunod na araw. Naputol na lang ang pag-iisip ko nang mapansing papasok na kami sa subdivision.

Pagpasok ng kotse ni Everlee sa subdivision nila ay makikita agad ang malaking tarpaulin ng mukha ni Callithea na may nakasulat na "CONGRATULATIONS TO THE FIRST EVER QUEEN OF NORTH HILLCREST UNIVERSITY!" sa gate which literally written in bold letters. Bakit hindi nila rin ipatarpaulin ang mga katarantaduhang ginawa nila tutal doon palagi silang nangunguna?

"Did you see that? That should be you at hindi siya. I'm saying this not because you're my friend but because I'd watched the whole program at halata namang mas lamang ka kaysa sa kanya. It's just ang daming nakakakilala sa kanya and maybe it affected the audience impact"

"It's fine. Deserving man ako o hindi ang mahalaga naenjoy ko yung pagsali ko dun... except the swimwear competition" I replied.

Sumulyap naman siya sa'kin using the rear view mirror and her facial expression suddenly became serious. Hindi pa rin kase namin napag-uusapan uli ang mga hakbang na gagawin namin para mapatunayang si Callithea at tatay niya ang may pakana ng lahat ng yun dahil naging busy kami sa exam.

Hanggang sa makarating kami sa bahay nila ay hindi na ako nagsalita pa. Naabutan naman namin si tita Isabelle na abala sa laptop niya. Mukhang busy si crush ah.

"Oh nandyan na pala kayo" pagpansin niya sa presensya namin.

Lumapit sa kanya si Everlee at nagbeso sila habang ako ay nginitian lang ni tita. Hindi pa rin nawawala yung natural na reaksyon ng katawan ko sa tuwing nakikita ko siya kagaya ng pag-init ng pisngi ko. Ewan ko ba pero ang lakas talaga ng dating niya. She can pull both genders at sa tingin ko ay yun ang namana ng anak niya sa kanya.

Iniwanan muna kami ni Everlee saglit kaya ito ako sinusulit ang bawat segundo na matitigan ang nanay niya.

"Avika, come here" bumalik na lang ako sa reyalidad nung tawagin niya ako.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon