𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 52: 𝐕𝐈𝐏

3.8K 117 10
                                    

As soon as I stepped out of the car, everyone's attention diverted to us or rather to me.

"Hindi ko pa ata kaya" mahinang sambit ko sa dalawa kong kaibigan.

Today, I'm officially back to the university. My body is still weak yet I forced myself to do this. Ito na lang ang tanging paraan ko para makabisita kay Thaleia. Everlee and I came up with a plan since my mother still couldn't accept na girlfriend ko na si Thaleia kaya hanggang ngayon hindi siya pumapayag na makipagkita ako sa kanya and honestly speaking, I'm ready to lose everything sa puntong 'to makausap ko lang siya. Kaya tuwing hapon, bago kami umuwi ay pupuntahan ko lagi sa presinto si Thaleia nang hindi malalaman ni mama.

"Avi, hindi. We're already here at kung sakaling may magpadinig sa'yo ngayon o kahit sa mga susunod pang araw handa akong mapatawag sa office masabunutan ko lang sila" Veronieka bravely told me like a little soldier.

"Babalian ko talaga sila, tamo" dagdag ni Everlee sa sinabi ni Veronieka kaya pakiramdam ko ay maluluha ako sa sinabi nila. Grabe.

"Nawala lang ako, nawala na rin kayo sa katinuan? Dapat pala hindi na ako bumalik" pagbibiro ko pero nakatanggap lang ako nang matatalim na tingin mula sa dalawa.

"Alam mo bang miss na miss ka na namin tapos nagagawa mo pang magjoke ng ganyan?" maluha-luhang komento ni Veronieka.

"Aysus. Yakap nga" sabi ko rito at niyakap siya.

"Sus naglalambing 'tong bunso namin" saad ko habang hinahagod ang likod niya, ramdam ko ang mahihinang paghikbi niya sa likuran ko.

"Aba'y dapat kasama rin ako dyan" singit ni Everlee sabay nakisama sa yakapan namin ni Veronieka. Hindi namin inintindi ang mga natatanggap naming tingin mula sa mga estudyanteng nagdadaan. Basta ang alam ko lang namiss namin ang isa't isa.

"Can we join?" a voice approached so we immediately pulled away from our group hug. Tilting my head behind, I met two beautiful young women coming. Napalingon ako sa dalawa kong kaibigan dahil hindi ko inaasahang makita na magkasama sina Beatrix at Justine. They were walking like those famous varsity players in a movie.

Mukhang hindi na nakatiis si Bea at tumakbo na ito para yakapin ako.

"I'm so happy right now, Avika. Welcome back" she whispered.

Hindi ako sumagot at matamang inilipat ang tingin kay Justine. She was gazing at me with her usual subtle look. I gave her a small smile which she immediately mirrored. I missed her. I missed all of them.

Inisa-isa ko silang tingnan at kahit na paano ay medyo napagaan nila ang nararamdaman ko. Sa kabila ng mga nangyayari ngayon, masaya akong may mga kaibigan akong katulad nila. Veronieka, Everlee, Beatrix, Justine, at pati na rin si Kendrix. Una pa lang ay nasa tabi ko na sila at hanggang ngayon na lumalabo na ang lahat ay nandyan pa rin sila. Hiling ko lang na sana hanggang dulo magkakaibigan pa rin kami.

"Nga pala, nasaan si ma'am Zhariah? Gusto ko rin sana siyang makausap" tanong ko kay Everlee habang naglalakad na kami sa hallway. Nahiwalay na kase sa'min yung tatlo at sa pagkakaalam ko ay instructor pa rin ni Everlee si ma'am.

"Dunno. Hindi na siya pumasok since last week" kibit balikat nitong sagot. Ano pa bang inaasahan ko? Kung wala si Thaleia eh 'di wala rin siya. Sino na lang ang kakausapin ko nito ngayon tungkol sa kanya? Nalintikan na talaga.

Masasabi kong naging mahirap sa'kin ang unang dalawa kong subject. Halos lahat ng blockmates ko ay ayaw akong kausapin at napansin ko na pati yung iba sa mga professor ilang na sa'kin. Nagsawalang-bahala na lang ako kahit na ang totoo ay gusto ko nang umuwi.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon