𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 54: 𝐇𝐚𝐳𝐞

4K 117 9
                                    

"Avika" Tita Martha muttered under her breath. The three of them tilted their head onto me, acknowledging my presence.

Seeing tita Martha after knowing the truth gave me goosebumps. Realization hit me hard the moment I stared at her. Those pair of dark green eyes, long lashes, and even her natural wavy hair. It's like I'm staring at my reflection right now. Akala ko wala lang ang mga sinasabi ng mga tao noon na mas hawig ko pa ang nanay ni Klinton kaysa sa totoo kong nanay and that was because she's my biological mother.

Imbes na lumapit sa kanila ay kagyat akong umakyat sa kwarto at nilock yun. Ikinalma ko ang puso kong nagwawala na bago unti-unting dumausdos paupo sa sahig.

Bumuhos nanaman ang luha ko habang blangkong nakatingin sa hangin. Hindi ko na kailangan pang tanungin si mama para malaman ang totoo. Nung nakita ko pa lang ang reaksyon niya kanina ay alam ko na agad.

"Avi? Pagbuksan mo naman si mama. Mag-usap tayo" dinig kong sabi ni mama mula sa kabilang parte ng pintong 'to.

Hindi ako sumagot at pinunasan lang ang sarili kong luha. Tumayo ako at saka ko lang inunlock yung pinto. Binuksan ko yun at walang emosyong tumingin kay mama na umiiyak pa rin.

Tumalikod ako pero iniwan kong bukas yung pinto para pumasok siya. Umupo ako sa gilid ng higaan habang siya ay nagtuloy-tuloy papasok. Nilock niya ang pinto at lumuhod sa harapan ko.

"Avi, patawarin mo si mama kung hindi ko sinabi ang totoo sa'yo noon. Maniwala ka, binalak kong sabihin pero napapangunahan lagi ako ng takot. Hindi ko kayang mawala ka sa'kin. Ikaw na lang ang meron ako" sunod-sunod nitong saad habang nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

"Siguro nga hindi ako naging perpektong nanay sa'yo pero anak itinuring kitang parang sarili kong kadugo" dugtong nito at hinawakan nang mahigpit yung mga kamay ko. I'm too numb as of the moment na parang hindi na ako nagugulat o nasasaktan man lang sa mga sinasabi niya.

"Kaya ba ganoon na lang ang kagustuhan mo noong ilayo ako sa lugar na 'to nung malaman mo kung anong ginawa ni Klinton? Kaya ba ang bait-bait ni tita Martha sa'kin dahil siya pala ang totoong nanay ko?"

Marahan niyang itinango ang ulo niya.

"Patawarin mo ako, 'nak. Marami akong pagkukulang sa'yo pero kung bibigyan mo pa ako ng pagkakataon pipilitin kong bumawi"

"Ma, sana dati ninyo pa sinabi yung totoo at baka sakaling hindi pa humantong sa ganto ang lahat. Inilalayo ninyo ako kay Thaleia pero kayo pala 'tong totoong nakakatakot dito. Paano ninyo nagawang umakto nang normal gayong yung totoo ko palang nanay nasa harapan ko lang? Hindi ako makapaniwala sa inyo"

"Avi, alam ni Thaleia ang totoo. Sinabi ko na sa kanya matagal na" natigilan ako sa sinabi nito. Hindi makapaniwalang tiningnan ko ito at yung tibok ng puso ko ay kaagarang dumoble.

"A-Alam niya? Paano, ma?"

"Sinabi ko sa kanya nung araw mismo na uuwi na dapat tayo ng probinsya pero nangako siyang hinding-hindi niya sasabihin sa'yo hangga't sa maging handa na ako. Alam niya ang lahat bago pa mangyari ang lahat ng ito" paliwanag niya kaya pinilit kong alalahanin yung araw na yun.

Napasapo na lang ako sa noo ko nung maalala ang gabing yun. Kaya pala biglang bumait si mama sa kanya dahil doon. (Chapter 23)

"Ngayong alam mo na rin naman ang totoo. Mabuti pang kausapin mo na rin si Martha--"

"Hindi, ma. Hindi pa ako ready na kausapin siya" mabilis kong pagtanggi. Sa kanya nga lang hindi ko na matanggap yung mga nalalaman ko, paano pa kaya dun sa totoo kong nanay? Hindi ako makapaniwalang kinakaya niyang makita ako noon sa halos araw-araw kahit na alam niya sa sarili niyang ipinamigay niya ako na sariling anak niya.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon