𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 11: 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐬. 𝐀𝐛𝐞𝐧𝐬𝐨𝐧

6.9K 169 44
                                        

"Avika!"

Paglabas na paglabas ko pa lang ng lecture room ay sumalubong agad sa akin ang dalawa kong kaibigan. Dali-daling pumunta sa pwesto ko si Veronieka habang prenteng nakasunod lang sa likuran niya si Everlee. Nakapamulsa pa ito habang naglalakad.

"Oh akala ko umuwi na kayo?" tanong ko nang makarating na sa kinatatayuan ko si Veronieka.

"Well that's what you thought... Why? Ayaw mo ba kaming makita ha?" tanong niya pabalik sabay pakita ng puppy eyes niya.

Napakunot na lang tuloy ang noo ko sa inakto nito. Oa ha. Nagtanong lang naman ako kase bihira kaya kami magkita-kita sa hapon. Kadalasan kase sa sobrang daming gawain at pagod na rin ay diretso uwi agad kami kaya nakakapagtaka lang talaga.

"Pwede ba mamaya na kayo magchismisan? Naghihintay na si mommy sa kotse" tila naiinip na sabat ni Everlee.

"Anong chismis? Syempre kailangan muna namin magbatian bago umalis. You know girls' things" saagot ni Veronieka.

"Minsan talaga 'di ko kayo maintindihang mga babae" sabi ni Everlee na umiling-iling pa.

"Parang hindi ka babae ah. Kahit naman babae rin gusto mo may mani ka pa rin" saad ni Veronieka na nagawa pang irolyo ang mga mata. Pilit kong pinigilan na humalakhak ng tawa sa sinabi ni Veronieka.

"Eh ano naman? Mas dominant naman ako kumpara sa ibang babae"

"Oh talaga paano mo nasabi?"

"Syempre ako yata--"

"Pwede ba tumigil na kayo?? Nagsisimula nanaman kayong dalawa" pagsasaway ko. Para nanaman silang mga bata. Jusme nananahimik ang buhay ko dito tapos bigla silang dadating para lang magtalo.

Sabay silang napalingon sa akin.

"Bakit ba kase kayo nandito? May kailangan ba kayo??" diretsang tanong ko.

"Kailangan agad? Hindi ba pwedeng miss ka lang namin?" agad na sagot ni Everlee.

Hindi ako umimik at pokerface lang na tumingin sa kanya para naman malaman niyang hindi ako nakikipagbiruan sa mga oras na ito.

"Okay fine... We're here para sunduin ka. Ito kaseng si Veronieka nagyaya ng overnight sa bahay namin at dahil sobrang close na sila ni mommy kaya ayon agad-agad na pumayag" pagpapaliwanag ni Everlee.

Tumingin naman ako sa kanilang dalawa na may gulat sa mukha.

"Anong overnight? Hindi ako pwede. Magagalit nanaman si mama nyan" mabilis kong pagtanggi.

"Kung si tita ang iniintindi mo 'wag ka ng mag-alala. Pinagpaalam na rin kita kay tita" tila batang sabi ni Veronieka.

"Ano? Paanong pinagpaalam?"

"She called tita earlier at mabilis pa sa alas-kwatrong pinayagan kang sumama samin" si Everlee na mismo ang sumagot sa katanungan ko.

Ilang segundo kong prinoseso ang sinabi niya. Seryoso ba siya? Si mama pumayag na mag-overnight ako kina Everlee? As in si mama na nagsilang sa akin? Ang unfair ha.

"Oh ano na? Tara na" pagyaya ni Everlee sa amin.

Hindi na ako nakatanggi pa at hinayaan ko na lang na hilahin nila ako hanggang sa makarating kami sa kotse nina Everlee.

"Oh girls I thought magtatagal pa kayo" sabi ng isang napakagandang babae sa loob ng kotse nang mag-angat ito ng tingin.

"Sorry mom ang arte kase ng dalawang 'to akala mo 'di nagkita kaninang lunch" sagot ni Everlee.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon