𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 50: 𝐁𝐨𝐮𝐧𝐝

6.5K 156 32
                                        

TW: R18+ / USE OF GUNS! || This is my first time writing a scene like this in a story so don't expect that much. Anyway, that's not the highlight of this story naman kaya 'wag masyadong magfocus doon. Also, I want to inform everyone that my genre is angst since 2019 kaya alam ninyo na...







We've been staying in this island for exactly a week today. Sa loob ng mga araw na yun ay para lang akong nakalutang sa langit. Walang oras na hindi namin ipinapadama ang nararamdaman namin sa isa't isa kaya mas lalo lang tuloy akong nahuhulog sa kanya. Ibang-iba na ang pakikitungo niya sa'kin kumpara sa dati but lately I noticed something odd to her. She's being edgy at may mga pagkakataon na nahuhuli ko siyang nakatulala na parang may malalim na iniisip.

Matapos kong maligo ay bumaba na agad ako ng hagdan pero nadismaya ako nang hindi ko siya naabutan doon. Sumilip ako sa labas para tingnan kung nasa dagat ba siya pero wala. Agad akong kinabahan, nitong mga nakaraan din naging nerbyosa ako na mawala lang siya sa paningin ko ay para na akong napapraning. This happened after kong malaman na pinaghahanap na nga kami pero hanggang ngayon ay hindi ko yun sinasabi sa kanya.

Walking back upstairs, I halted when I heard a noise na nanggagaling sa kabilang dulong kwarto kaya napasimangot ako. Hindi ako nagdalawang isip pumunta roon pero mas lalo akong nagtaka nung makitang may kawang yung pinto. Sa pagkakatanda ko hindi naman namin binubuksan yung ibang kwarto rito since dalawa lang naman kami kaya bakit bukas 'to?

"... it will happen on one of these days. Hindi ko alam kung kailan, basta maghintay ka, Zoey" nadinig kong sabi ni Thaleia na para bang may kausap siya, yun palang ang nadidinig ko pero bumilis na agad ang tibok ng puso ko na para bang kinukutuban ako. Sino si Zoey??

Marahan akong humakbang palapit sa pintuan at hindi ako nagdalawang isip na sumilip mula roon. My eyes went wide when I saw her holding her phone and conversing with someone on the other line. Teka ano 'to? Nag-usap na kami tungkol dito, walang gagamit ng phone hanggang nandito pa kami dahil may posibilidad na matrack kami rito.

"I will fix this no matter what, just do what I tell you. Sige na, ibababa ko na 'to" huling sabi niya bago pinatay yung tawag. She heaved a deep breath before turning her body to leave but I saw how her expression shifted as soon as she saw me standing in the doorframe. Diretso lang akong nakatingin sa kanya.

"Avika--"

"Ano 'yon? Why did you use your phone?? And Z-Zoey? Who's Zoey?" sinubukan kong maging mahinahon pero hindi kaya ng boses ko na nanginginig na sa inis.

Hindi agad siya nagsalita pero mababakas ang pangamba sa pares ng mata niya.

"May hindi ka ba sinasabi sa'kin?" muli kong tanong.

"A-Avika, Zoey's my..." she faltered like she doesn't know what to say.

"You're what? Babae mo? Ano bukod kay ma'am Zhariah may Zoey ka pa?" nag-iinit na talaga ang ulo ko sa inis. Hindi ko maiwasan gayong ang ayos-ayos ng usapan namin tapos mahuhuli ko siyang nagamit ng phone nang patago?

"No. She's my... my sister okay?" tila natataranta niyang sagot pero pakiramdam ko ay nagsisinungaling siya.

"Eh ano yung sinasabi mong aayusin mo? Baka gusto mong sabihin sa akin kung anong nangyayari?" muli kong usisa pero tuluyan na siyang nanahimik, tinalikuran niya ako at humarap sa bintana ng kwartong 'to.

I ran my hand through my locks in annoyance at bago pa man ako makapagsalita ng kung anu-ano ay lumabas na ako ng kwarto. Bumalik ako sa kwarto namin at nilock yun. Umupo muna ako sa gilid ng kama at ipinikit ang mga mata para ikalma ang sarili.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon