𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 12: 𝐈𝐧 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧

6.6K 165 89
                                        

I was silently staring at Ms. Abenson's back while we're inside this elevator. Sobrang hirap niyang basahin. There are times na kakaiba ang inaakto niya then bigla nanaman siyang babalik sa mood niya. She's a hot and cold type of person.

Tanging ang tibok lang ng puso kong hindi makalma-kalma ang nadidinig ko. Ganyan na siya katahimik simula kanina kaya segu-segundo ang pagdarasal kong huwag sana siya magburst-out bigla dito.

Natauhan na lang uli ako nang tumunog na ang elevator. Hudyat na nandito na kami sa tinatawag na VIP room.

She walked outside like a model nang bumukas na ito, ni walang lingon likod sa akin. Napapailing na lang akong sumunod.

Kung ano yung reaksyon ko kanina pagkapasok namin dito ay ganoon din ang naging reaksyon ko pagkalabas ko ng elevator.

Isa itong rooftop bar na nakakulong sa isang kwarto na gawa sa glass, ultimo sahig ay babasagin kaya kitang-kita ang nasa labas. May napanood na ako dating ganto, kahit na transparent 'to ay hindi naman kami kita dito sa loob pero kami namang nasa loob ay kita ang mga nasa labas. I don't know how they did that but for sure milyones ang nagastos dito. Technology na lang ang labanan sa panahon ngayon.

Sinundan ko ng tingin ang direksyon kung saan nagpunta si Ms. Abenson at nagtungo ito sa pinakadulong table. Hindi na ako nagreklamo pa at kagyat na sumunod na lang sa kanya nang tahimik. Pagdating namin sa table ay may sumalubong na isang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid-20's pa lang.

"Oh I'm glad you came Ms. Abenson" bati ng lalaki bago inoffer ang kamay niya for a handshake.

"Of course I will. Where's Mr. Jing?" imbes na tanggapin ang kamay ng lalaki ay bored lang itong tiningnan ni Ms. Abenson.

Ramdam ko ang pagkapahiya ng lalaki dahil agad niya ring ibinaba ang kamay niya. Grabe ang bastos talaga ni ma'am.

"Well, uh he's in the comfort room. You can wait--" his words immediately cut off when Ms. Abenson walked away and then left him in awe.

Napaawang na lang ang labi ko sa nakita. Lintek ako yung nahihiya para sa prof ko.

The man just shook his head, maybe in disappointment before clearing his throat. Doon niya lang din napansin ang presensya ko.

"And you are?" nagtataka nitong tanong.

"Estud--"

"She's my personal secretary" si Ms. Abenson ang mismong sumagot sa tanong niya. Nasorpresa na lang ako sa sinagot ng prof ko. Anong personal secretary? Kailan pa nangyari 'yon??

"Oh I see. Come sit with me" magiliw na sagot ng lalaki at ngumiti ng pagkalaki-laki. Doon ko lang naappreciate ang kagwapuhang taglay nito. Parang nitong nakaraang mga araw puro gwapo't magaganda ang nakakasalamuha ko.

"Ay sige po" nahihiya kong sagot.

"Really? Come on drop the "po" na. Sa tingin ko naman ay ilang taon lang ang agwat natin" natatawang sagot nito kaya ngumiti na lang ako.

"Okay sige" maikli kong tugon.

Sumunod na ako sa kanya sa table niya pagkatapos naming magpakilala sa isa't isa. Nakabukod ang table naming dalawa dahil napag-alaman kong secretary pala ni Mr. Jing itong si Marcus. Personal daw kase yung pag-uusapan ng dalawa kaya bawal kami sa table nila. Anyway, going back to Marcus, he's such a gentleman, biruin mo he even offered me the chair na para akong isang prinsesa.

"So how many months ka na kay Ms. Abenson as her personal secretary?" Marcus inquired as we were waiting for Mr. Jing. Hindi ako makasagot dahil alam naman namin pareho ni Ms. Abenson na hindi totoo yung sinabi niya kanina. Napadako na lang ang tingin ko kay Ms. Abenson sa kabilang table para sana humingi ng tulong ngunit napalunok na lang ako nang makita ko ang itsura niya. She was watching us already habang hawak niya ang isang bread knife na pinaglalaruan niya lang na parang hindi ito nakakasugat.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon