𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 43: 𝐇𝐨𝐥𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐨𝐫𝐧𝐞𝐫

3.7K 132 13
                                    

A/n: The following information below is used for the story alone and not intended for professional purposes. This story is a hundred percent fictional and just based on the author's imagination. You can search on your own to have a clear idea about this chapter, thank you.


I cracked into a smile after unclasping my eyes. I had a great dream with the person that has been the reason why I've been doing shady things lately. Isang napakagandang panaginip na tanging siya lang at ako ang mayroon.

I groped my hand to the space beside me just to find it empty. Agad na nawala ang ngiti ko at mabilis na bumangon. Isang napakagulong kwarto na may bahid pa ng dugo mula sa kanya ang nadatnan ko. Oo nga pala, wala akong karapatang ngumiti ngayon dahil sa nangyari kagabi.

Tumulala muna ako habang iniisip kung anong susunod kong dapat gawin? Tawagan ba si ma'am Zhariah o hanapin siya gayong wala siya rito sa tabi ko ngayon?

Naputol ang pag-iisip ko nang bumukas ang pinto ng banyo at naglakad palabas mula roon si Ms. Abenson suot-suot ang roba niya. Her eyes landed on me as soon as she stepped out.

"Gising ka na pala" sabi nito bago humakbang papunta sa'kin at umupo sa gilid ng kama niya.

"Nagpadeliver ako ng pagkain. Do you want to eat first o ihatid na kita sa inyo?" malumanay nitong tanong habang pinagmamasdan maigi ang mukha ko.

Hindi ako sumagot at kagaya niya ay pinakatitigan ko rin ang mukha nitong sobrang kalmado ngayon, malayong-malayo sa itsura niya kagabi.

"Mamaya na ako uuwi. Kain muna tayo" sagot ko nang makuntento na sa pagtitig sa kanya. Sa dami ng ganap kagabi ay hindi pa ako nakain.

"Alright. Magbibihis lang ako" she replied then got up from her seat.

Nang bumalik sa banyo si ma'am ay napagdesisyonan kong bumaba muna para magmumog pero natigilan ako sa nakita. Gayong sobrang liwanag na rito dahil sa pumapasok na sinag ng araw ay ngayon ko lang nakita kung gaano kagulo ang salas. Puro basag na gamit ang makikita na akala mo ay dinaanan ng bagyo. Napalunok na lang ako. Hanggang ngayon hindi ko maisip na kaya niyang gawin ang gantong klaseng bagay.

Marahan akong humakbang sa sahig at maingat na iniwasan ang mga kalat hanggang sa makarating ako sa kusina. Nang makaupo na ako ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Hindi agad ako kumilos dahil natutulala talaga ako sa gulo ng paligid.

"What do you want to eat?" napatingin na lang ako kay Ms. Abenson na nakabihis na. She's wearing a simple outfit but still rocking it.

Ibinaling ko naman ang tingin sa mga pagkain na nasa harapan ko. There are varieties of food na sa tingin ko ay sobrang dami para sa aming dalawa. Parang lahat ata ng nasa menu ay inorder na niya para siguro may choices. Pinili ko na lang yung Carbonara, Wheat bread, chicken wings, at brewed coffee.

Tahimik kaming nagsimula. I kept glancing on her as she was peacefully eating. Kada bukas ng bibig niya ay napapatigil ako. Kakain na lang ang sexy pa rin tingnan.

"Do you want to include me on your meal?" biglang tanong nito at tiningnan ako. Agad-agad akong nakaramdam ng panic.

"H-Hindi po" wala sa sariling sagot ko sabay kumagat nang malaki sa tinapay ko para magkaroon ako ng dahilan para hindi makapagsalita.

"Don't be shy. I'm not your professor as you're not my student as of the moment. You know we could do things we can't--"

"I'm done. Maliligo na ako" mabilis akong tumayo matapos kong higupin lahat ng kape ko para hindi na niya matapos kung anumang sasabihin niya. Alam ko na kung saan patutungo 'to eh.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon