𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 49: 𝐄𝐜𝐬𝐭𝐚𝐬𝐲

6.9K 139 25
                                        

(A/n: I don't do double update but here's a longer chapter para sa inyo, mga bading. Enjoy reading!)


"Come on, Avika! Let's swim!" dinig kong sigaw ni Ms. Abenson mula sa dalampasigan. Raising my right hand, I gestured that I was just fine sitting here alone. Hindi ko masyadong makita ang reaksyon niya dahil medyo may kalayuan pero nakita kong tumalikod siya at muling lumusong sa tubig.

Placing both of my hands under my head, I inclined my back on this foldable rack then watched the clouds moved above. They're so pleasant to see as they formed into different shapes. This is just so perfect. Tahimik na lugar, maaliwalas na langit, at malamig na simoy ng hangin. Mas naging perpekto pa ito dahil kasama ko ang taong nagugustuhan ko.

Gazing brightly at the sky, my mind averted to our first night here. I couldn't say that it wasn't a good night for the both of us after I heard her backstory. Nagkaaminan nga ng feelings pero hindi naman mawala sa isip ko ang mga nakaraan niya. Masyadong madilim na kahit siguro kaaway ko ay hindi ko hihilinging maranasan ang bagay na yun.

It's our fourth day here in this island. Apat na araw pa lang kaming magkasama pero pakiramdam ko mas lalong napapalagay ang loob ko sa kanya. She's been so caring and sweet since we stayed here but I'm afraid that this moment will be ruined again in a snap. There's no conviction in our situation right now. Maaaring may mangyari nanamang hindi inaasahan.

Namalayan ko na lang na may tumutulo na palang mainit na likido mula sa mata ko. Iniisip ko pa lang na magkakahiwalay agad kami ay may kung anong bigat na lang akong nararamdaman sa dibdib ko.

"Avika" nataranta ako nung madinig ang boses niya palapit kaya agad kong pinunasan ang luha na lumandas at kagyat na bumangon. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang nakangiting mukha nito. My eyes automatically scanned her figure. Nakasuot na siya ng bikini ngayon kaya hindi na masyadong expose ang buong katawan niya pero kahit na ganon ay tawag pansin pa rin ang hubog ng katawan niya. Her abs were visible kaya napapakagat na lang ako sa labi sa tuwing nakikita yun. C'mon man. She's beyond gorgeous.

Lumapit ito sa akin pero ang hindi ko inaasahan ay ang biglang pagsunggab niya sa labi ko. It was a quick kiss but she still managed to give me a mini heart attack. She's so unpredictable.

"Your lips is so soft, what are your lip products?" tanong pa nito nung lumuhod siya sa harapan ko para pantayan ang taas ko. She brushed her fingers across her hair which I found so attractive.

Agad na namula ang buong mukha ko. Syempre iniiscrub ko kaya 'to para sa'yo.

Kahit na nahihiya ay nagawa kong patulan ang tanong niya. "Lip product? Yung brand name niya parang ano... Thaleia Abenson ata?"

She cocked her head and there's amusement on her face upon hearing my reply.

"Do you want more of that product though?" tanong nito kaya mabilis akong umiling.

Sinuklian niya yun ng tawa na sobrang sarap pakinggan. Sobrang aliwalas din ng mukha niya at makita ko pa lang siyang nakangiti ng ganyan ay nawawala na agad lahat ng iniisip ko. I want to keep that smile as long as I could. I want her to feel the best when she's with me. I don't think this isn't just a simple admiration.I think I'm in love with this woman already. Ayoko nang itanggi pa 'to dahil mas lalong lumalalim lang.

"I love you" it slipped out of my lips out of instinct. Parehas kaming nagulat pero mas halata yung kanya.

She didn't speak momentarily while I was sitting there stiffly so long as an awkward silence engulfed us. Kung hindi lang tumunog ang tyan ko ay marahil hindi kami makakagalaw basta-basta.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon