𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 35: 𝐀𝐯𝐞𝐫𝐲

5.5K 173 27
                                        

(A/n: The flashback of Avika will be brief only as it only contains the snippet of her past pero don't worry magkakaroon pa naman ng flashback sa POV ni binibining Thaleia sapak. Enjoy reading and happy holidays, gaes! XOXO)

*Flashback from 8 years ago*

"Ano bang ginagawa mo rito? Hindi ba sabi ko bawal kang makisali sa amin?" pantataboy sa akin ni Patricia, isa sa mga kaklase ko.

"Hindi naman ako nangingialam sa inyo. Nakikinood lang ako" sagot ko.

"Ayaw rin naming nakikinood ka! Hindi ako nakikipagkaibigan sa mang-aagaw ng crush ko!" bulyaw niya at itinulak ako. Kaagad akong natumba sa sahig kaya natamaan ang pwet ko. Nagkatawanan pa yung mga kasama niyang naglalaro.

Naluluha na ako pero mas nangingibabaw ang inis ko. Itinulak niya ako sa harap ng mga kaklase ko. Sobrang sama ng ugali niya!

"Avi!" dinig kong tawag ng nag-iisang kaibigan ko at ang tanging dahilan kung bakit ayaw na akong kausapin ni Patricia. Magiging magkaibigan na sana kami ni Patricia kung hindi lang niya inakalang inaagaw ko sa kanya si Klinton na crush niya.

Napahigpit ang hawak ko sa palda ko nang dumapo na ang kamay ni Klinton sa braso ko para sana tulungan akong bumangon. Mabilis ko siyang itinulak palayo sa akin. Naiinis ako kay Patricia. Naiinis ako kay Klinton. Naiinis ako sa kanilang lahat!

"Avi--"

"Huwag mo kong hawakan. Kaya kong tumayo mag-isa" malamig kong sabi at tumayo mula sa pagkakabagsak.

Tiningnan ko muna sa huling pagkakataon sina Patricia pati na ang iba ko pang kaklase na imbes tulungan ako ay pinagtawanan pa ako. Tumakbo na ako palayo mula roon at dumiretso sa playground kung saan madalas akong dalhin ni papa tuwing Biyernes.

Umupo ako sa swing at doon na ako tuluyang napaiyak. Magdadalawang taon pa lang simula nung kinuha mula sa amin si papa at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang nangyari. Bakit kase kailangan mangyari ang bagay na yun? Kung ako na lang sana ang nauna ay baka hindi ko pa nararanasan ang mga bagay na 'to.

"Why are you crying?" bigla-bigla na lang may nagsalita sa tabi ko. Paglingon ko ay may tao na nakaupo sa kabilang upuan ng swing. Nakasuot siya ng hoodie at nakatingin sa harapan niya kaya hindi ko pa maaninag ang mukha nito pero base sa boses niya ay babae siya.

"Sino ka?" tanong ko at pinunasan ang mata ko gamit ng kamay ko pero hindi siya sumagot. Nakita kong may kinuha siya mula sa bulsa ng hoodie niya at iniabot yun sa akin ng hindi man lang ako tinitingnan. Hindi kaya kidnapper 'to?

"Kidnapper ka ba?" tanong ko habang nakatitig lang sa panyong iniaalok niya.

Hindi nanaman siya sumagot pero kinabahan ako nung tumayo ito. Ang tangkad niya kaya alam kong mas matanda siya kumpara sa akin.

Humakbang siya palapit sa pwesto ko kaya napatayo ako sa takot.

"A-Ate, wala po kaming pera kung kikidnapin ninyo ako. Kakamatay lang din ng papa ko kaya--" napatigil ako sa pagsasalita nung tinanggal niya ang hood sa ulo niya kaya malaya kong napagmasdan ang mukha nito. Ang ganda niya at mukhang hindi siya purong Pilipino. Gusto ko kapag malaki na ako ganyan din akong kaganda, lalo na yung mga mata niyang kahit ang lungkot-lungkot tingnan ay ang sarap pagmasdan.

Masyado akong nahumaling sa maamo niyang mukha pero nadistract ako sa sugat niya sa gilid ng labi niya.

"May sugat ka, ate" bulalas ko habang titig na titig sa sugat niya. Hindi uli siya umimik kaya naisip ko na baka pipi siya pero nadinig ko pa siyang nagsalita kanina eh.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon