"Aviiiii!" napatigil ang pag-uusap namin ng mga kaibigan ko at kagyat na napalingon sa harapan kung saan nakita naming tumatakbo papunta sa direksyon namin si Beatrix.
I couldn't help but gloat at her longer than I should once she set her foot in us. May nagbago sa itsura niya, marahil dahil sa buhok niya na ngayon ay hanggang balikat na lang at ang kulay nito na light brown na. Hairstyle is a game changer indeed.
"Oy Avi" pagtawag niya sa atensyon ko.
"Ha?" tanong ko dahil hindi ko napakinggan yung huli niyang sinabi dahil sa pagtulala ko sa kanya.
"Ang sabi ko may ibibigay ako sa'yo mamayang lunch. Ayos ka lang ba?"
"Yeah. Masyado kaseng agaw pansin 'yang itsura mo ngayon" komento ko kaya bahagyang nagkasalubong ang mga kilay niya na perpekto na kung titingnan.
"Why? Hindi ba bagay sa'kin 'tong buhok ko?"
"Loka may sinabi ba 'kong ganon? Short light brown hair suits you. Ang liit kase ng mukha mo kaya mas lalo kang gumanda" papuri ko rito at napansin kong napangisi siya nang palihim.
"Parang hindi naman. Nagmukha kang matangkad na bata" Everlee remarked while chewing her gum, laying on the grass and gazing through the clear sky.
"Lee, 2023 na kaya magbago ka na kung ayaw mong..."
"Ano ha??" tila nanghahamon pa ang loko.
Maya-maya ay napansin kong padating na rin si Veronieka mula sa office ng ate niya.
"Guys, malapit na magstart ang orientation" sabi niya sa'min. We're currently staying here in the field to kill time. First day of second semester namin ngayon pero imbes na magklase ay pinapupunta kaming lahat sa gymnasium kung saan may importanteng anunsyong mangyayari mamaya. Bukod sa anunsyo ay magkakaroon na rin nang maikling orientation lalo na't may new enrollees ngayong sem.
Sabay-sabay na kaming nagtungo sa gymnasium na mapupuno na rin ng mga estudyante. Mga nakasibilyan kaming lahat kaya hindi mo basta-basta malalaman yung mga new student sa mga dati na.
Sa may pinakataas na kami umupo para mas malawak ang sakop ng view namin. Hindi pa man nakakailang minuto kaming nakaupo nung makaramdam ako ng pag-ihi kaya nagpaalam muna ako sa tatlo.
Mabilis lang akong gumamit ng banyo dahil may sampung minuto na lang din bago magstart ang orientation.
"Ah miss, excuse me?" isang boses ang tumawag sa'kin mula sa likuran. Agad ko itong nilingon at isang babaeng may katangkaran ang tanging nakita ko roon. Nakasuot siya ng cap, shades, at facemask na akala mo ay isang Kpop Idol.
"Yes?" magiliw kong tanong pero imbes na sumagot at tinanggal niya yung suot niyang shades at nginitian ako.
"It's you" she blurted out grinning. Takang tiningnan ko naman siya.
"I'm sorry?"
Napahawak naman ito sa likod ng ulo niya na parang may naalala o ano man. "Oh shoot. Medyo nakainom ka nga pala nung gabing 'yon kaya siguro hindi mo na ako maalala" tila nahihiya pa niyang untag. Anong nakainom? Putcha anong pinagsasabi nito?
"Teka ha, miss. Baka nagkakamali ka lang ng akala" I told her but she returned it with a chuckle kaya hindi ko maiwasang pakatitigan siya. Ang hinhin ng tawa niya kahit ang angas ng itsura niya.
"You're so adorable" sabi pa niya kaya mas lalo akong napatanga.
"We met months ago sa isang bar. Naligaw ka that time so I tried to approach you. I'm not sure kung totoong pangalan mo yung binigay mo sa'kin that night but you introduced yourself as Yvonne. I'm Justine for the second time around" pagpapaliwanag niya habang nawawala pa ang mata sa tuwing tatawa siya. (Chapter 21)
BINABASA MO ANG
𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)
RomanceHillcrest Girl's Series #1: TANGLED HEART (Professor x Student) "Everyone has a secret to keep. It's just there are secrets that you wouldn't dare to let out" In a university full of elites, Avika Monterey got luckily accepted into North Hillcrest U...
