A/n: Medyo SPG kaya read at your own risk. Beh, first time ko magsulat ng ganyan sa story kaya 'wag kang maarte, beh. Mahirap mag-expect.
"I'm starving. I wanna eat something I haven't tasted yet"
I swallowed hard. Kung makatingin kase siya sa'kin ay akala mo ako ang gusto niyang kainin.
Napaatras ako nung walang sali-salitang pumasok siya at humiga sa higaan. Halatang bagong ligo rin siya dahil sa basa pa niyang buhok. Suot niya ang isang manipis na nightgown at mukhang wala nanaman siyang bra.
"Eh 'di magluto ka, ma'am" sagot ko ng hindi naalis sa pwesto.
She averted her gaze back to me before she spoke. "I don't cook" walang gana niyang sagot.
Hindi siya nagluluto? Eh anong kinakain niya kung mag-isa siya rito?
"Paano ka nakakakain nyan?" iniisip ko lang naman yun pero aksidente kong nasambit kaya agad akong napatikom sa pagsisisi.
"Ay sorry po, hindi--"
"I usually dine in in restaurants alone pero minsan si Zhariah ang nagluluto para sa'kin" sagot niya.
Ah.
"Cook for me" wika niya nung itinungkod niya ang mga siko para makaupo. Kumurap-kurap ako dahil sa sinabi niya.
"What's wrong?" she asked after she noticed me faltering.
"Ano po kase, ma'am..." napahinto ako. Ano ba naman 'to nakakahiya.
"C'mon tell me" inip niyang usal.
"Hindi po ako marunong magluto" alanganin kong sagot.
Her eyebrows furrowed as her lips became flat. Hindi ko mabasa ang reaksyon niya kaya napahawak ako sa suot ko sa kaba. Knowing her, baka mamaya bigla siyang magalit na lang dyan.
"Your mother is a cook yet you don't know how to cook, why is that?" she inquired incredulously.
"Hindi naman po kase ako natuturuan ni mama sa sobrang busy niya tsaka minsan ko na kaseng muntikang masunog ang kusina namin kaya ayaw na ayaw na ni mama magluto ako" mahabang paliwanag ko habang nakatingin lang sa akin.
Iyon pa ang isa sa problema sa'kin. Marunong naman akong magluto ng mga prito pero pagdating sa ibang dish wala na akong alam. Nagtataka na nga ako kung bakit parang ni katiting na itsura ni mama o kahit talento ay wala akong namana man lang.
"Paano ka mag-aasawa niyan? I feel pity for your future--"
"Wala pa naman po sa isip ko ang pag-aasawa kaya saka ko na iisipan 'yan, Ms. Abenson" pagpuputol ko sa sasabihin niya.
"Alright" tumayo siya at inayos ang nagusot na buhok. Pinanood ko siyang hawiin ang buhok niya gamit ng mga daliri. Ang ganda talaga ni ma'am kahit na walang kolorete sa mukha at ganyan lang ang suot. Samantalang ako parang talampakan lang ata ng babaeng'to.
"Get dressed and follow me after" she directed before exiting this room.
Sinunod ko na lang ang sinabi niya at kagyat na nagbihis pagkatapos ay sinundan siya pababa ng hagdan. Namataan ko siya sa kusina habang hawak ang phone niya at mukhang may pinapanood siyang video.
Lumapit ako sa pwesto niya kaya napaangat siya ng tingin sa akin at kagaya ng ginawa niya kanina ay pinasadahan niya ako ng tingin lalo na yung suot ko. Nang ibalik niya ang tingin sa akin ay may ngisi na siya sa labi na nagpainit ng pisngi at tenga ko.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)
RomanceHillcrest Girl's Series #1: TANGLED HEART (Professor x Student) "Everyone has a secret to keep. It's just there are secrets that you wouldn't dare to let out" In a university full of elites, Avika Monterey got luckily accepted into North Hillcrest U...
