𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 40: 𝐏𝐮𝐥𝐥 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐮𝐬𝐡

5.9K 164 48
                                        

The moment I stepped inside the room, I immediately felt high-strung caused by a certain person who's eyeing me like I was some sort of snacks. Mabilis akong nagtungo sa pinakadulong row nang sa gayon ay hindi ako mailang sa kanya. Nang makaupo na ay ikinalma ko muna ang puso kong parang hindi nanaman makontrol.

"Ang lamig ng kamay mo" napalingon ako sa nagsalita at bahagyang napakunot ang noo dahil sa sinabi nito. Malamang malamig, may aircon kaya rito.

Nadinig ko na lang ang pagtikhim ng propesora namin na nasa likuran na pala namin kaya kagyat kong binawi mula kay Justine ang kamay ko. Hindi na ako nag-abalang lingunin si Ms. Abenson dahil pakiramdam ko ay matutunaw ako sa kahihiyan dahil sa nangyari kahapon. Mga dalawang minuto ang itinagal niya roon bago naglakad pabalik sa harapan.

"Let's have a short introduction today before we proceed to your modules on Thursday" panimula nito. Inisa-isa niya sa'min ang mga pag-aaralan namin this semester sa subject niya which is Science, Technology, and Society. Tingin ko naman parang naglalaro na lang siya sa pagtuturo niya dahil kahit wala siyang dalang kahit na anong lesson plan o modules ay naipapaliwanag niya ang lahat details by details nang walang nilalagpasan. Minsan nga naiisip ko umeextra lang siya bilang professor pero ang totoo niyang trabaho ay druglord —

"Monterey" tawag nito kaya agad akong tumayo. Lumapit siya sa pwesto ko hanggang sa iilang pulgada na lang ang pagitan namin pero kung todo pigil ako sa leeg ko na tingnan siya.

"As a Psychology student, how important do you think is Science, Technology, and Society in your chosen field?" tanong nito pero dahil nadidistract ako sa sobrang lapit niya ay naghukay muna ako ng maisasagot sa utak ko. Nabablangko yung isip ko.

"Uhm, I think as someone who's studying Psychology, it's very important for me to have this subject as my course is under Science which is the science of mind and behavior. Also, my field requires us to have different research for us to get a vast knowledge on this study that's why Technology is a big help too and pagdating naman po sa Society, malaking factor rin po ito since our future clients will be coming from different kind of society kaya importante po sa aming mga Psychology student na pag-aralan kung anong klaseng society man ang pinanggalingan nila for us to put our shoe in their situation to have a clear analyzation of their behavior" sagot ko na halos maging isang litanya na. Hindi sinasadyang mapaling ang mga mata ko sa kanya kaya nahuli ko siyang pinapasadahan ako ng tingin. She didn't even notice that I'm already done speaking as she was busy scanning me. Sa pagkakataong yun ay ako naman ang tumikhim para makuha ang atensyon niya.

She composed herself in a quick once she realized that I caught her checking me out.

"Alright, that's a good answer, Monterey" sabi na lang nito kahit na halata namang hindi siya nakinig sa sinagot ko.

Matapos nun ay binigyan niya kami ng pretest na nasagutan ko sa loob ng 15 minutes. Karamihan naman sa tanong common sense lang ang kailangan para masagutan.

Since I still have more than 10 minutes left, I've decided to use the restroom. Naiihi na rin kase ako at para makahinga naman ako nang maluwag kahit sampung minuto lang dahil kanina pa ako parang nalulunod sa titig niya.

Tumayo ako na nagdahilan para lumingon sa'kin yung iba kong blockmate lalong-lalo na si Justine na seatmate ko lang. Dumiretso ako sa table ni ma'am para magpaalam.

"Ma'am, may I go to the comfort room?" pigil hiningang pagpapaalam ko sa kanya. Hindi agad siya sumagot pero napansin ko ang pasimpleng pagkagat nito sa loob ng labi niya na parang may gusto siyang gawin at pinipigilan niya lang ang sarili. Sunod nun ay ang pagtango niya kaya mabilis akong naglakad palabas ng kwarto.

Nung medyo makalayo-layo na ako ay doon ko lang ibinuga yung hininga na inipon ko kaya para akong isdang sisinghap-singhap. Jusko anong kabobohan ba 'tong pinaggagawa ko?

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon