Napalingon ako kay Veronieka na kanina pa nakatitig sa akin.
"What?" walang gana kong tanong sa kanya. Monday na monday pero tinatamad akong kumilos ngayon.
"Hindi ako naniniwala sa sinabi mo. May mali talaga sa kwento" tugon niya.
Mabilis kong inilihis ang tingin ko. Alam kong maling maglihim sa kanilang lahat pero iniisip ko lang din ang pwedeng kahantungan kung sasabihin ko ang totoong nangyari ng gabing yun.
Muli kaming binalot ng katahimikan habang tinatahak ang daan papuntang university. Simula kase nung nabalitaan nila na isinugod ako sa ospital ay napagpasyahan nina Everlee at Veronieka na simula ngayon magsasabay-sabay na kami sa pagpasok at pag-uwi. Gamit nga namin ngayon ang kotse ni Everlee papasok.
After almost 20 minutes we arrived at the university without experiencing any traffic. Wala ring Klinton at walang baril.
Hanggang sa makapasok kaming tatlo sa gate ng campus ay walang umiimik sa amin. Nagpaalam lang kami sa isa't isa dahil magkakaiba naman ng building ang first subject namin.
Wala sa sariling naglakad ako papunta sa first subject ko ngunit agad napatigil nang maramdamang may sumusunod sa likuran ko. Kumalabog naman ang dibdib ko sa nerbyos na baka sinusundan uli ako ni Klinton.
Inihanda ko ang sarili at mabilis na hinarap kung sino mang hinayupak ang nasa likod ko.
"Everlee, sira na ba ang ulo mo?!" bulalas ko habang nakahawak sa dibdib ko sa sobrang gulat.
Tinapunan ko ito ng masamang tingin habang natatawa lang siya sa'kin.
"Bakit ka ba kase nasunod ha?! Hindi naman dito first sub mo ah!" naiirita kong sabi. Kung hindi ba naman kalahating gaga 'to at akala mo stalker na nasunod sa'kin.
"Chill okay? Grabe yung itsura mo para kang pumasok sa horror booth" natatawa pa rin niyang sabi. Mabuti na lang at walang katao-tao dito sa hallway dahil late na kami kung tutuusin.
"Alright. I'm sorry. Gusto lang naman kitang ihatid sa lecture room mo. Baka mamaya mahimatay ka nanaman dyan" it took me by surprise. Kahit na siya ang pinakamaloko sa aming tatlo hindi rin naman maipagkakailang mabilis siyang lumambot once na isa sa amin ni Veronieka ang napapahamak. Ate materials kumbaga.
"Sira! Kaya ko naman ng mag-isa" I replied then acted like I'm still annoyed by her presence.
Hindi siya sumagot at diretso lang na tumingin sa'kin. Mukhang may gustong sabihin ang mokong pero mukhang nag-aalangan pa.
"Sige na, kung may sasabihin ka sabihin mo na. Mukha kang natatae dyan" sabi ko ngunit hindi man lang ako nakatanggap ng ngiti o tawa mula sa kanya. Mukhang seryoso na siya sa pagkakataong ito
"Avika, ano ba talaga ang totoong nangyari nung gabing yun? We don't believe when you said na nahimatay ka at nagkataon lang na nakita ka ni Ms. Abenson na nakahandusay sa daan" walang bakas ng pagbibiro niyang tanong.
Awtomatikong kumunot ang noo ko kaya bago pa ako traydorin ng sarili kong emosyon ay tumalikod na ako sa kanya.
"Pati ba naman ikaw Everlee hindi naniniwala sa kinuwento ko? Ano bang gusto ninyong palabasin? Na nagawa ako ng kwento pati kay mama?" I told him then pretended like she said something offending. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya ngayon dahil baka sa huli ako rin ang maglaglag sa sarili ko.
"Oo, Avika" walang preno niyang sagot kaya napalingon uli ako sa kanya.
"Teka ano??" yun na lang ang tanging nasabi ko sa gulat.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)
RomanceHillcrest Girl's Series #1: TANGLED HEART (Professor x Student) "Everyone has a secret to keep. It's just there are secrets that you wouldn't dare to let out" In a university full of elites, Avika Monterey got luckily accepted into North Hillcrest U...
