𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 30: 𝐅𝐚𝐥𝐬𝐞 𝐒𝐨𝐥𝐢𝐜𝐢𝐭𝐮𝐝𝐞

5.4K 167 28
                                        


Thaleia Reese Abenson sent you a friend request

I spaced out for too long that I didn't notice that it was already past 11 in the evening. I decided to call it a night kaya itiniklop ko na ang laptop ko at saka humiga sa higaan.

Ano nanaman kaya ang gusto niyang mangyari ngayon at nagsend pa siya ng friend request? Dalawang linggo ko na siyang iniiwasan at nagpapanggap na wala lang sa akin yung nangyari. She's a licensed professor and she should know that what she did is a kind of assault. I was hurt by her action.

"Raising a red flag isn't a good idea Monterey so prepare yourself after this"

I could still vividly recalled the last time she forewarned me. Certainly, I was at fault on this, too. I missed to remember that she's not the person I was referencing to, that she's still the Ms. Abenson who I should be feared of. Probably, I was just too entangled by her complex actions lately that I fell for her faux solicitude on me.

I found my tears streaming down on my face again. Iniyak ko na lang yung inis na nararamdaman ko hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

Monday morning soon arrived in fleet. Buong maghapon lang akong nakahilata sa higaan kahapon at iniwasan ko na rin munang magbukas ng social media.

"Anyare? Bakit parang kahapon ka pa ata nakabusangot?" tanong ni mama habang inaayos ang mga gamit niya papasok.

"Wala po, ma. Baka malapit na akong datnan" walang gana kong sagot sabay upo.

Nadako ang mga mata ko sa mga pagkaing niluto ni mama at amoy pa lang ay nakakatakam na pero wala akong gana kumain ngayon.

"Ganoon ba? Aba'y magbaon ka ng pads mo at baka sa eskwelahan ka pa datnan"

"Opo, ma"

Hindi rin nagtagal ay umalis na si mama pero hindi pa rin ako nasubo ng almusal ko. I let out a soft sigh.

Kumuha na lang ako ng tinapay at pinalaman ito ng ham at konting mayonnaise. Nagtimpla na rin ako ng kape, yung matapang para kaya akong ipaglaban. Pinilit kong ubusin 'yon kahit busog na agad ako sa dalawang kagat pa lang.

Agad na napansin ng dalawa kong kaibigan ang pagiging matamlay ko pagkadating nila.

"Avika, ang putla mo" komento ni Veronieka habang tinititigan ang buong mukha ko.

"Oo nga para kang patay" segunda mano ni Everlee.

I forced a smile. Actually, pagkagising ko pa lang ay pinagpapawisan na ako nang malamig pero baka dala lang 'to ng panahon. Hindi naman mainit ang temperature ko kaya impossibleng nilalagnat din ako.

"Wala 'to. Dala lang 'to nang pabago-bagong damdamin ko" sagot ko kaya sabay silang napakunot ang noo.

"Ano 'yan? Humuhugot ka ba? Hindi bagay sa'yo" wika ni Everlee kaya natawa ako nang bahagya.

"Pumasok na lang tayo. May ipapasa pa ako sa first sub ko"

"Sure kang kaya mong pumasok ha?" nag-aalalang tanong ni Veronieka kaya nalipat ang atensyon ko sa kanya.

Doon ko lang napansin yung suot niyang hikaw na kasama sa set ng earrings na iniregalo ko sa kanya. Nagulat siya nung isinukbit ko yung buhok niyang humaharang sa maganda niyang mukha.

"Suot mo na pala 'yan"

"Oo. Hindi ko sana isusuot because I wanted to keep it. Mas magtatagal kase siya sa'kin kung itatago ko lang kaso napansin kong bagay siya rito sa niregalo ni Ken na necklace kaya sinuot ko na rin" she uttered while fixating her eyes at the necklace she's wearing. Hinimas-himas niya rin ito na parang may inaalala.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon