𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 10: 𝐁𝐚𝐥𝐥𝐩𝐞𝐧

6K 171 29
                                        

"How do you answer the question 'what am I?'" panimulang tanong ni Ms. Abenson sa amin.

Kagaya ng iba ay nakitaas din ako ng kamay para sagutin ang tanong niya. Inilibot ni Ms. Abenson ang kanyang mga mata upang maghanap ng sasagot dahil halos lahat kami ay nakataas na ang mga kamay hanggang sa tumigil ang mga mata niya sa direksyon ko.

"You..." saad niya habang nakatingin ng direkta sa akin.

Hindi ko maintindihan pero bigla na lang akong nakaramdam ng pagkasabik pagkatawag niya sa akin. Ilang araw din kase niya akong hindi tinatawag sa recitation kaya malamang nananabik din ako sa pagtawag niya ngayon.

Agad akong tumayo at akmang ibubuka na ang bibig ko nang bigla niyang dugtungan ang sinabi niya.

"... Samonte, how do you answer the question 'what am I?'" saad niya sabay hakbang papunta sa likuran ko.

Ilang segundo rin akong nakatanga lang sa harapan habang nakatayo at nang makolekta ko na ang aking sarili ay unti-unti akong lumingon sa aking likuran at doon ay para akong sasabog sa kahihiyan.

Lahat ng mga mata ay nasa amin ng blockmate ko na may apelyidong Samonte. Ang iba ay nagpipigil na ng tawa habang nakatingin sa akin.

Kagyat akong umupo at pinilit na iwaksi ang nararamdamang hiya. Kahit na hindi ko nakikita ang sarili ko ay alam kong namumula na ang buong mukha ko.

"A student?" dinig kong sagot ni Samonte na tila hindi pa siya sigurado sa sagot niya.

"A student. That's right... What else?" sunod sa sabi ni Ms. Abenson.

Hindi na ako nagbalak pang magtaas ng kamay. Malay ko bang si Samonte ang tinawag niya kanina samantalang ako ang tinitingnan niya. Kitang-kita ko kaya yung mata niyang nakatingin sa akin... O baka naman ako lang talagang nag-assume na sa akin siya nakatingin? Gusto ko lang naman magrecite pero bakit napahiya pa ako?

Nagsimula nanamang magsisagutan ang iba habang ako ay tahimik na lang sa harapan. Napalingon naman ako sa bakanteng upuan sa tabi ko kung saan nakaupo si Cortez. Absent uli siya ngayon pero hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari last Friday o baka may iba pang dahilan. Naaawa talaga ako sa sitwasyon niya ngayon. Kung pwede lang tulungan siya kahit man lang sa mga school work namin kaso tingin ko sobrang ilap talaga niya sa amin. Ni wala nga siyang kaclose sa blockmate namin.

Habang nakatulala ako ay bigla namang nahulog ang ballpen kong nakapatong sa ibabaw ng table ko. Medyo malayo pa ang nagulungan nito kaya kinakailangan ko pang tumayo para lang maabot ito.

Tumingin muna ako kay Ms. Abenson para siguraduhing hindi ito nakatingin. Mabuti na lang at may nagrerecite kaya doon nakatuon ang kanyang atensyon. Kinuha ko na ang pagkakataong yun para kuhain ang ballpen kong nahulog.

Lumuhod ako sa sahig at pinilit na abutin ang ballpen sa gilid ng upuan ko. Medyo nahirapan pa akong abutin ito dahil napalayo na ito mula sa tinigilan nito kanina.

Maya-maya pa ay bigla na lang may paang tumigil sa harapan ko. Kumalabog ang dibdib ko nang mapagtanto kung kaninong sapatos ang suot nito. Sinundan ko ito ng tingin mula paa pataas hanggang sa tumigil ang tingin ko sa slit ng skirt niyang suot. Kitang-kita ko ang pag-angat ng gilid ng palda nito na nagpalitaw ng bahagya sa hita niya. I unconsciously bit my lips as I was staring on her tanned skin.

"According to Descartes, self is either a mind or human being..." pagpapatuloy ni Ms. Abenson sa pagsasalita habang nakatingin pababa sa akin.

Bigla na lang akong nanigas sa pwesto ko at ni hindi ko man lang nagawang bumalik agad sa upuan ko. Bumalik na lang ako sa ulirat nang biglang tadyakan palayo ng instructor ko ang ballpen ko na dahilan para gumulong uli ito palayo.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon