"Guys, look. May bagong snack house malapit dito oh. Baka gusto ninyo daan muna tayo mamaya bago pumunta sa dance studio?" sabi ni Veronieka sabay pakita ng picture nito na nasa phone niya.
"Sure maaga naman dismissal ngayon 'di ba?" tanong naman ni Everlee.
"Yup. 3:30 or 4:00?"
Hinayaan ko lang silang dalawa mag-usap until may sumiko sa tagiliran ko.
"Hoy!"
Kagyat akong napatingin sa kanilang dalawa lalo na kay Everlee na kung makasiko ay akala mo may personal na galit sa'kin.
"Ano ba yun?"
"You're zoning out. Kasama ka pa ba namin o nasa ibang dimension ka na?" kunot noong tanong ni Everlee.
"Malamang. Kinakausap mo pa nga ako 'di ba?"
"Eh nadinig mo naman ba yung sinabi ni Veronieka?"
"Syempre. Nakikinig naman ako" sagot ko.
Naputol ang pag-uusap namin nang tumunog ang alarm ni Veronieka, senyales na oras na ng klase nilang dalawa habang ako naman ay may kalahating oras pa bago ang sunod na subject.
"Ano iwan ka na namin dyan?" Everlee asked as the two of them stood up.
"Malamang. Alangan namang dalhin mo pa ko sa next class mo?" sagot ko.
"May dalaw ka ba ngayon? Para kang sira kausap" komento pa niya.
"Everlee, bilisan mo" naiinip na tawag ni Veronieka kaya nagpaalam na siya sa'kin bago sumunod kay Veronieka.
Naiwan akong nakatulala nanaman sa cafeteria. Mangilan-ngilan na lang ang tao dito kaya medyo tahimik na.
Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago napagpasyahang pumunta sa mini park. Napepressure ako sa pageant na gaganapin two days from now then idagdag pa yung midterm examination namin isang linggo pagkatapos ng event. Parang gusto ko tuloy umatras sa pageant na 'yan at unahin na lang ang magreview.
Dumiretso ako sa ice cream stall ni Kendrix. Ito na lang ang tanging naiisip ko na makakapagpagaan ng loob ko.
"Sir, can I have one large cup of Matcha?" sabi ko na kunwari ay hindi ko kakilala si Kendrix. I was facing his back kaya hindi niya pa ako nakikita.
"A large cup of Matcha right away, ma'am" masiglang tugon ni Kendrix.
Nakita kong inihanda na niya ang ice cream ko kaya nagpigil pa ako ng tawa dahil paniguradong magugulat siya kapag humarap na sa akin. Pagkaharap niya ay nakangiti nanaman ito na tila walang iniindang problema sa buhay.
"This is your-- Avika??" napalitan ng gulat ang ngiti nito kaya hindi ko na napigilang tumawa nang mahina.
"Pambihira ka naman, Avika. Why didn't you tell me na ikaw pala 'yan? Eh 'di sana ginawa ko pang extra special ang ice cream mo" may panghihinayang na sabi niya.
"Hindi na ano ka ba? Baka malugi ka pa niyan"
"Basta para sa'yo hindi ako malulugi" sagot nito sabay abot sa'kin ng ice cream. Nagawa pa niyang kumindat kaya lalo tuloy akong natawa.
"Hindi ka ba kinilig sa kindat ko?" tanong niya at umaktong nasasaktan pa.
"Hindi eh" diretsa kong sagot kaya napakamot siya sa ulo niya.
Umiling-iling naman siya na parang may mali pa sa sinabi ko.
"Mukhang wala ata talagang epekto sa'yo ang kagwapuhan ko pero ayos lang bakla naman ako" this time tumingin siya ng diretso sa mga mata ko habang may seryosong ekspresyon.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)
RomanceHillcrest Girl's Series #1: TANGLED HEART (Professor x Student) "Everyone has a secret to keep. It's just there are secrets that you wouldn't dare to let out" In a university full of elites, Avika Monterey got luckily accepted into North Hillcrest U...
