𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 29: 𝐀𝐜𝐜𝐞𝐩𝐭 𝐨𝐫 𝐃𝐞𝐜𝐥𝐢𝐧𝐞?

3.6K 140 16
                                    



"Mahal kita"

"Mahal?" she asked in disbelieve. Kitang-kita ang pagguhit ng mga iilang linya sa kanyang noo.

"Oo. Kahit na sandaling panahon pa lang kitang nakilala ay natutuhan na kitang mahalin"

"Stop bullshitting! You don't even know what love really means kaya 'wag mong sasabihin sa harapan ko na mahal mo ko!" she yelled in pure anger.

Lah gaga ba siya? Umaamin na nga ayaw pang maniwala.

"Maniwala ka man o hindi, totoo ang sinasabi ko. I maybe stupid in some things pero hindi sa pagkakataong 'to. I know what I am feeling at sigurado ako roon"

Napahilamos na lang ako sa mukha ko sa inis. Napakaarte naman ng babaeng 'to.

"Kung talagang mahal mo ko hindi mo ko iiwasan ng ganon. Alam mo bang sa tuwing nalayo ka sa'kin ay nasasaktan ako?" mangiyak-ngiyak niyang turan.

Paanong hindi iiwasan eh gaga ka? Jusko naman, ayusin mo nga desisyon mo sa buhay.

Lalo lamang akong nainis nang maghalikan na sila na akala mo'y wala ng bukas. Sige mga hangal maglaplapan pa kayo. Tagalan ninyo pa.

"Bea, matagal pa ba 'yan?" naiirita kong tanong sa kasama ko.

"Wait lang kase, Avi. Nagkaaminan na nga oh" sagot niya sabay singhot ng uhog niyang malapot. Ano naman kaya ang nakakaiyak sa pinapanood namin?

Ipinagkrus ko na lang ang mga bisig ko sa inis at nanahimik. Pinagsisisihan ko na ang pagsama ko sa kanya rito sa sinehan. Malay ko bang romance pala ang genre na papanoorin namin, mas mabuti sana kung thriller 'yan o mystery.

Iwasan ko mang tingnan ang kissing scene sa malaking screen na ito ay nadidinig ko pa rin naman ang tunog nun. Hindi lang ito basta-bastang romance dahil parehas na babae ang mga protagonist.

Dahan-dahan kong ipinihig pabalik sa screen ang mukha ko at mas naging intense ang halikan nila. They were doing some tricks while making out hanggang sa aksidenteng umungol yung isa.

"Lah ano ba 'yan?!" bulalas ko kaya napatingin sa akin ang mga katabi ko.

"Sorry po, sorry" I said while looking at them apologetically.

Nilingon ko rin si Beatrix na nakangisi na sa akin.

"Gusto mo bang itry 'yon, mahal ko?" tanong niya habang inilalapit pa ang mukha niya sa akin.

"Heh tumigil ka nga" saway ko rito at itinulak palayo ang mukha niya. Nagtapang-tapangan ako kahit na ang totoo ay kinabahan ako nang bahagya sa muntikang pagdidikit nanaman ng labi namin.

Natawa na lang ito habang umiiling.

"Gusto mo pa ata si Ms. Abenson ang humalik sa'yo eh" dinig kong bulong niya kaya siniko ko siya.

"Huwag mo nga siyang mabanggit-banggit" seryoso kong sabi.

"Fine, fine. Manood na lang tayo" pagsuko niya sabay tingin uli sa screen. Ganoon na lang din ang ginawa ko.

Pagkatapos naming manood ay dumiretso kami sa arcade. Magkahawak kami ng kamay na pumasok dito habang binivideohan niya ako at ang kamay namin. Napilitan lang ako dahil gusto niya raw magpost ng story sa IG niya.

Siya ang unang pumili ng lalaruin namin at napili niya pa talaga yung basketball pero agad ko itong inayawan. Bigla ko kaseng naalala nung huling laro ko niyan na kasama ko pa si Ms. Abenson kaya ayoko.

"Why? It's fun to play" tanong niya.

"Basta ayoko niyan. Malas 'yan" sabi ko na lang sabay talikod sa kanya.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon