𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 31: 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧

6.2K 188 15
                                        

It's Friday at ilang araw na lang ay December na. Our finals is fast approaching but the most exciting part here is the semestral break. Hindi na ako makapaghintay nang sa gayon ay makapagpalitan na rin ng mga instructor.

Half day lang ang pasok namin ngayon since the most anticipated Christmas Lighting Ceremony will happen tonight. Magkakaroon lang ng maiksing programa bago buksan ang Christmas light. First time ko makakawitness ng ganto kaya medyo naeexcite tuloy ako.

Busy ang Student Council members dahil as usual sila nanaman ang in charge sa gagawing program mamaya. Ilang araw ko na ring hindi nakikita si Beatrix and honestly speaking I kinda miss her presence around but just as I thought about her I received a message from her.


Beatrix Dixon
10:26 AM


Can you be my partner
later?


Para saan?


It's a secret basta sumagot
ka na lang. Ano payag ka?


Pwede ba yun? Papayag ako
nang hindi ko nalalaman
yung gagawin?


Surprise nga eh


Paano kung ayoko?


👍


Natawa tuloy ako nang bigla na lang siyang nagsend ng like emoji. Pikunin amp—

Sa sobrang busy ko kakareply sa kanya ay hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa huling klase ngayong araw. Nagulat ako nang madatnan na sa loob si Ms. Abenson na nakatingin na sa akin kaya nawala ang ngiti ko. Pati mga blockmate ko ay sa akin na nakatingin lahat. Mukhang late pa nga ata ako.

Magsasalita na sana ako para humingi ng paumanhin dahil late ako pero bigla na lang ibinalik uli ni ma'am ang tingin niya sa Macbook niya. Nagkibit balikat na lang ako at dire-diretsong pumasok.

Sobrang tahimik ng mga kaklase ko na ultimo paghinga ay kontrol na kontrol ng katabi ko. Ilang minuto na kase ang nakakalipas simula nung pumasok ako pero hindi pa rin nagsisimula ng klase si ma'am kaya ito kami at nakatunganga lang sa kanya.

Lumingon ako sa mga kaibigan ko at nakita kong nakatungo lang si Veronieka sa table niya habang nakatulala si Everlee na akala mo ay nalugi sa negosyo. Bakit ba kase ayaw pang magstart ng babaeng 'to? Ano bang hinihintay niya pasko?

Sa muling pagharap ko ay nahuli kong nakatingin na sa akin si Ms. Abenson pero walang anu-ano'y inirapan niya ako. Tumayo siya at pumwesto sa gitna.

See? Sino ba namang makakabasa ng kilos sa isang 'to eh parang hangin na na biglang bubugso ang ihip.

"Since malapit naman na tayong matapos sa lesson then I will give my remaining time today for you to do whatever you want but please make sure na walang mag-iingay sa inyo. I don't want to hear unnecessary noise hanggang mamaya" bilin niya kaya napangiti yung iba.

Nang makaupo na uli si ma'am ay kanya-kanyang gawa na yung iba ng mga unfinished activity but most of them cellphone ang hawak. Gustuhin ko mang lumipat sa pwesto ng mga kaibigan ko ay hindi pwede kaya ito tamang tunganga uli. Wala naman akong magawa sa phone kong basag-basag na. Hanep isang oras mahigit pa akong tutulala rito.

Kinuha ko na lang din yung activity sa isang subject ko na hindi ko pa natatapos at yun na lang ang itinuloy ko para lang mapalipas yung oras. Nasa kalagitnaan na ako ng ginagawa ko nang maramdaman kong may nakatitig sa akin kaya nag-angat ako ng tingin at nahuli ko nanaman na nakatingin sa'kin si Ms. Abenson. Kung kanina ay inirapan niya ako ngayon naman ay nakipagtitigan pa siya kaya may naisip ako.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon