I was too mystified yesterday knowing that Ms. Abenson didn't view my story in my account and didn't even reply to my text message. Nagthank you ako sa bigay niyang package pero ni isang reply ay wala akong natanggap. Hindi ko na tuloy maintindihan kung ano bang mayroon? Kung may nagawa ba akong kasalanan na hindi ako aware o baka naman mood swing lang yun? Hindi ko na talaga alam.
Nandito na kami ngayon sa klase niya pero mahigit five minutes na at wala pa rin siya. Salubong ang kilay na sumalampak ako sa upuan ko. Hindi na ako natutuwa sa ginagawa niya ah. Sinasadya niya ba 'to para paglaruan ako?
Dati pa naman. Ikaw lang 'tong nagpapadala sa kanya. The voice in my head echoed.
"You seem not in a mood since this morning" komento ni Justine. I diverted my gaze upon her with the same expression to see that she was sketching on the back of her notebook afresh. Balak ba niyang ubusin lahat ng pages ng notebook niya sa pagdodrawing lang?
"Hindi naman. Masaya nga ko eh" I tried my best to be cheerful but to no avail.
Nag-angat siya ng tingin sa'kin at tinitigan ako. Napansin ko na habang tumatagal mas lalong lumulutang ang ganda niya, para siyang blooming. Mukhang may gusto siyang sabihin pero hindi na yun natuloy nung pumasok si sir Kael bitbit ang laptop niya.
"Guys, please settle down" sabi nito habang naglalakad papuntang table. Hindi maganda ang pakiramdam ko rito ah.
"Ms. Abenson isn't around so I will make it for today. Hindi ko sure kung hanggang kailan since I heard that she's sick. Sayang nga at hindi ko maalagaan" pagbibiro nito kaya nakatanggap siya ng "ayieee" sa kanila, tila nanamlay naman ako sa nadinig. Mali pala ako ng hinala.
"As if naman magpapa-alaga sa inyo yun" I blurted out but was heard by Justine.
"Ha?" bulong nito pero umiling lang ako. Totoo naman eh. Hindi ko nga magets ugali nun tapos magpapaalaga pa sa kanya? Asa ka, sir.
"Ms. Abenson is one of the gorgeous ladies here and I do admit that I'm crushing over her. Sa tingin ninyo ikacrushback kaya ako nun?" muling banat nito habang tinatanggal sa lagayan yung laptop niya. Panay naman ang pagsang-ayon ng mga ulok dito. Baka sampalin ka lang nun umatras ka na eh.
"Hindi ka ikacrushback nun kase kay ma'am Zhariah na yun" bulalas ko nanaman kaya nakatanggap na ako ng kakaibang tingin sa katabi ko.
"Okay, enough with this. Magsimula na tayo ng klase. Ano bang last lesson ninyo?" tanong nito sa seryosong tono niya. Aba'y maigi 'yan, sir.
Sa maghapon ay nagtuloy-tuloy na nga ang pagiging wala sa mood ko. Nasungitan ko pa yung isa kong blockmate dahil nanghiram siya ng ballpen samantalang hindi pa nga niya isinasauli yung hiniram niya nung nakaraan. Nagsorry naman ako but the guilt was still here. Masama na nagiging epekto ng masyadong pag-iisip ko sa kanya. Lagot ako nito kapag nalaman pa 'to ni mama.
Hindi ko na hinintay pa si Everlee dahil absent siya ngayon. Nilagnat bigla yung gaga pag-uwi namin kahapon. Isinisisi niya pa yung pagkakasakit niya sa nakilala niyang babae nung Valentine's Day na baka raw may virus 'yon at nahawa siya. Kinilabutan pa nga ako sa sinabi nito dahil kumpirmadong nakipaghalikan nga 'to, taena baka nagpalitan pa ng laway. Ah lintek hindi ko kinakaya ang mokong na yun.
"Sure ka hindi ka sasabay sa'min?" tanong ni Veronieka habang nakasunod kami kay ate Venize.
"Hindi na. May dadaanan pa ako bago umuwi" sagot ko at tinadyakan yung maliit na tipak ng bato sa dinadaanan namin. Nung nalaman ko kaseng absent si Everlee ay agad-agad namang nagpabili si mama nung vitamins niya.
"Hindi kaya may mangyari--"
"Veronieka, wala. Hindi na mauulit 'yon dahil nag-iingat na ako kaya 'wag mo na akong isipin" sagot ko dahil yung mata niya halatang sobrang takot na dahil sa huling nangyari nung hindi ko sila kasama.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)
RomanceHillcrest Girl's Series #1: TANGLED HEART (Professor x Student) "Everyone has a secret to keep. It's just there are secrets that you wouldn't dare to let out" In a university full of elites, Avika Monterey got luckily accepted into North Hillcrest U...
