Today is the most awaiting day. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang ganap na akong estudyante sa North Hillcrest University. Pagkasabik ang nangingimbabaw sa akin imbes na kaba sa unang araw ko.
"Sunduin kita mamaya" sabi sa akin ni Klinton pagkahinto niya ng kotse. Next week pa ang start ng klase nila kaya panay ang kulit niya sa akin na siya na lang daw magsusundo sa akin kaysa sa magcommute pa ako. Wala rin naman akong choice dahil si mama na ang nakiusap kay Klinton na gawin ito kaya kahit na magkaiba na kami ng papasukan ay siya pa rin ang maghahatid at sundo sa akin.
"Oo na. Sige pasok na ko. See you later" sabi ko.
"See you" tipid niyang sagot.
Narinig ko pang nag-good luck siya sa akin pagkalabas ko ng kotse niya.
Nang makaalis na si Klinton ay tumingin ako sa kalangitan at kinausap ko ang papa ko gamit ang isip.
'Papa tingnan mo. Natupad ko na yung isa sa mga pangarap ko. Sana proud ka sa'kin kung saan ka man naroroon. Miss na miss na po kita' I thought. I can't help but reminisce our beautiful memories. Sampung taon na simula noong nawala siya sa amin. Hinding-hindi ko siya malilimutan. Siya ang kauna-unahang best friend ko.
Tumingin ako sa wristwatch ko at mayroon na lang akong kalahating oras bago magsimula ang unang klase ko kaya pumasok na ako sa loob ng gate. Pagkapasok ko sa campus ay kaliwa't kanan na ang mga naglalakad na estudyante. Ang daming tao kumpara noong orientation. Malamang nagsama-sama na lahat mula freshmen hanggang seniors ngayon. Medyo nakakapanibago lang kase puro babaeng mga student lang ang makikita sa paligid. May mga lalaki rin naman na security guard at professor pero bilang na bilang lang.
Nagulantang na lang ako nang may magsalita sa mga speaker na nakakalat sa buong campus.
"Attention to all Hillcrestian! Before we proceed to lecture rooms, we will have our flag raising ceremony and an energizer first so kindly fall in line with your coursemates"
Pagkaannounce noon ay agad na nagkagulo ang mga kapwa ko estudyante. Paano ko malalaman kung saan ako pipila gayong wala pa akong kakilala sa mga coursemate ko?
Inilibot ko ang mata ko sa paligid at buti na lang ay may mga nakikita akong tao sa pinakaharap ng flagpole na may mga hawak na placard. Doon nakasulat ang mga year at courses kaya kaagad kong hinanap ang mga first year Psychology students. Sobrang dami ng tao kaya medyo nahirapan pa ako bago ito tuluyang makita.
Sa sobrang busy namin sa first day pa lang ay hindi ko na namalayan ang takbo ng oras. Kasalukuyan na akong patungo sa third subject ko. Naging maganda naman ang daloy ng dalawang naunang subject. Mukhang mababait din ang mga professor dito unlike what I thought. Akala ko magiging strikto ang lahat kagaya ni ma'am Dixon.
Nang makapasok na ako sa lecture room kung saan ang third subject namin ay bumungad sa akin ang kaliwa't kanang nag-uusap. Para akong nasa palengke at wala sa university. Bakit parang lahat sila close na agad samantalang ako ni isa wala pang nakakausap sa mga blockmate ko? Sabaok na lang uli.
Agad na hinanap ng mata ko kung saan may bakanteng upuan. Nakakita naman ako sa may gitnang row sa tabi ng bintana. Mukhang bintana na lang ang makakaclose ko buong academic year.
Humakbang na ako papunta doon, mahirap na baka maunahan pa. Ngunit hindi pa man ako nakakarating sa upuan ay may nagsalita sa gilid ko.
"Look who's here?" sa tono pa lang ng boses nito ay alam ko na agad kung sino siya. Who would think na dito rin pala siya papasok at gayong may kung anong kamalasan siya sa puwet niya ay blockmate ko pa siya sa subject na ito.
Nilingon ko ito at walang ganang tiningnan ang nag-iisang Callithea Madrigal. May panunuya itong ekspresyon na hindi ko na ipinagtaka. High school pa lang naman kami ganiyan na ang ugali niyan. Palibhasa anak ng mayor ay nakakalusot palagi sa mga kamalditahang ginagawa niya. Just see how wealth and power could rule everything. Unfair pero anong magagawa ko hindi naman kami mayaman?
BINABASA MO ANG
𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)
RomanceHillcrest Girl's Series #1: TANGLED HEART (Professor x Student) "Everyone has a secret to keep. It's just there are secrets that you wouldn't dare to let out" In a university full of elites, Avika Monterey got luckily accepted into North Hillcrest U...
