𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 27: 𝐈𝐭 𝐓𝐚𝐤𝐞𝐬 𝐓𝐰𝐨 𝐭𝐨 𝐓𝐚𝐧𝐠𝐨

5.7K 180 32
                                        



Kagaya ng tinext ni Ms. Abenson ay papunta na ako sa office niya ngayon. Sinama ko na si Everlee dahil ayaw niya talagang magpaawat na hindi ako samahan habang si Veronieka naman ay nagtatampo pa rin. Hindi siya sasabay pauwi at kay ate Venize na lang daw siya magpapahatid.

"Oh sabihin mo ngayon paano mo susuyuin si Veronieka? Sa Sabado na birthday nun tapos nagkatampuhan pa kayo" tanong ko kay Everlee na diretso lang ang tingin sa pinto ng elevator kung saan kami nakasakay ngayon.

"Aba malay ko tsaka anong nagkatampuhan kami? Siya lang naman ang masyadong sensitive dito, cry baby pa" pamimilosopo niya pa.

"Ano ka ba? Hindi pagiging sensitive 'yon. Siguro para sa'yo wala lang yung mga sinabi mo pero para sa kanya hindi. You're invalidating her feelings, Everlee. Tayo-tayo na lang nagkakaintindihan dito hindi ka pa magsosorry sa kanya?"

"Ayoko nga. Kung ayaw niya mamansin eh 'di don't"

"Grabe 'yang pride mo. Kainin mo rin 'yan minsan. Kung makacry baby ka sa kanya eh ikaw nga 'tong iyakin sa'tin. Dapat nga--" napatigil ako.

Nagkasalubong ang mga kilay ko nang makadinig ng mga mumunting hikbi. Kaming dalawa lang naman ang tao rito — teka hindi kaya?

Hinawakan ko ang balikat niya at mabilis na iniharap siya sa'kin. Namilog na lang ang mga mata ko dahil hindi nga ako nagkamali ng hinala. Umiiyak siya.

Nakatakip pa ang dalawang palad niya sa mukha at pilit na iniiwasan ako.

"Tingnan mo. That's what I'm trying to say. Ikaw ang mapride pero ikaw ang iyakin"

"Eh ayaw nga kong pansinin nung tao. Paano nga ko magsosorry??" tila batang iyak niya. Ngayon lang ako nakakilala ng taong matangkad pero iyakin. Ang tapang-tapang pagdating sa iba pero kung makaiyak akala mo inagawan ng candy.

"Hindi ka na papansinin nun. Siraulo ka kase" pagbibiro ko pero lalo lang siyang umiyak kaya napaawang ang labi ko.

Hindi na siya nakapagsalita dahil bumukas na yung pinto ng elevator. Hinila ko na siya palabas dahil ayaw na niyang gumalaw sa pwesto niya.

"Punasan mo nga 'yang mukha mo, napakadungis mo. Bukas mo na lang kausapin si Veronieka sa lunch. Ayoko ng iyakin baka pasukan kita ng pacifier dyan" pag-aalo ko kahit hindi naman siya nacomfort sa sinabi ko.

Huminto muna kami at saka niya pinunasan ang mukha niya. Bakas pa rin ang pag-iyak niya kaya kinuha ko yung shades ko na ginamit ko kanina papasok. Kung hindi ninyo na tatanungin may black eye rin ako dahil sa sabunutan namin ni Callithea. First time ko mapaaway at ayoko na talagang maulit. Hindi ko man lang naenjoy yung long weekend ko dahil sobrang bugbog ng katawan ko nun.

Isinuot ko yung shades sa kanya.

"Ayan para hindi halata" sabi ko pero hindi siya kumikibo.

Magkahawak kamay kaming tumuloy sa office ni ma'am. Nung una natuwa pa ako dahil matagal-tagal na rin simula nung huling message niya sa'kin pero napagtanto ko na baka kung anong gawain nanaman ibigay nun kaya ako pinapupunta.

I knocked on the door and to my surprise, si ma'am Zhariah ang nagbukas ng pinto. Kung tutuusin hindi na dapat ako nagtataka dahil may relasyon naman silang dalawa pero ewan ko ba nagugulat pa rin ako.

Tumingin muna siya sa'kin bago kay Everlee na kung todo layo sa pinto. Hindi siya ngumingiti sa amin hindi katulad dati.

"Come in" malamig ang boses niya ngayon hindi katulad nung mga nakaraan na ang cheerful niya sa tuwing makikita niya ako.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon