𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 22: 𝐒𝐚𝐟𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐨𝐮𝐧𝐝

5.7K 173 50
                                        

I hissed in pain as my head hurt. Hindi ito basta-bastang sakit lang ng ulo, parang sobrang bigat nito at kahit anong oras ay puputok.

Pinilit ko ang sariling umupo at isinandal ang likod sa headboard ng kama. Nag-aadjust pa yung mata ko dahil sa liwanag na nanggagaling mula sa labas ng kwarto at sa sakit ng ulo ko. Makita ko lang talaga si Everlee ay hahambalusin ko siya para sa pagsama sa'kin sa bar na yun at para malaman niya kung gaano kasakit ang ulo ko ngayon.

Nang makapag-adjust na ang mga mata ko ay saka ko lang ito inilibot sa paligid ng kwarto kung nasaan ako. Hindi naman ito kwarto ni Everlee o ni Veronieka at lalong-lalo na hindi ko ito kwarto. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto. Ganto ba ang nararamdaman nung mga tao sa napapanood kong mga drama?

"Ay gago ka, Avi" bulalas ko sa sarili nang may marealize. Wait hindi kaya--?

Agad kong kinapa ang mga suot ko. Mula sa damit hanggang sa mga underwear pero nakahinga ako nang maluwag dahil kumpleto pa naman ito pwera sa sapin ko sa paa na ngayon ay wala na.

Lumipat ang atensyon ko sa hita ko na ngayon ay may mahabang hiwa doon, may ebidensya pa nga ng natuyong dugo. Muli akong napasimangot dahil dito. Saan at paano ko naman nakuha ang sugat na 'to?

I'm aware na nakainom ako kagabi pero hindi ko maalala kung madami ba o kaunti lang? May ugali kase ako na kapag nagustuhan ko na ang isang bagay ay hindi ko na mapigilan ang sariling tigilan ito. I couldn't say that it's an addiction kase hindi naman ako nakadepende dun pero kung pababayaan ko ay hahantong nga sa ganon. Sa hinuha ko ay mukhang napadami ata since hindi naman ako makakaranas ng gantong klaseng hangover kung tumikim lang ako.

I shut my eyes as I tried to remember everything but it was blurred. May mga nakikita akong scene sa memorya ko na hindi naman kalinawan kagaya nung nakita ko raw si Ms. Abenson sa bar kagabi kaya natawa ako sa sarili kong alaala. As if naman makikita ko si ma'am dun? Baka epekto lang 'to ng inis ko sa kanya buhat pa noong nakaraang linggo. Akala ba niya nalilimutan ko na yung pinaggagawa nila ni ma'am Zhariah sa park? It was still clear here in my memories, lalo na kung paanong gumalaw ang mga labi nilang dalawa sa ilalim ng buwan. Bukod dun ay wala na akong maalala. Basta ang alam ko hinanap ko pa ang mga kasama ko bago naging malabo ang lahat.

Ilang minuto pa akong ganon bago ko napagpasyahan na tumayo. Wala naman akong kasamang ibang tao kaya inalalayan ko na lang ang sarili ko. Ganon talaga kapag hindi ka inalagaan ng isa dyan, sariling sikap na lang.

Kahit na paunti-unti ay nakalabas naman ako ng kwarto. Sa tingin ko condo itong tinulugan ko kagabi. It's spacious at mukhang hindi mumurahing condo 'to, penthouse na ata. Bigla akong napadasal na sana hindi kung sino mang hinayupak ang may-ari ng condominium na 'to kung hindi, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko sa kung ano mang kahangalan ang nagawa ko kagabi.

May katabi pa itong kwarto pero hindi ko na binuksan pa, baka natutulog pa yung may-ari ay makabulahaw pa 'ko. Dumiretso na lang ako sa hagdan para hanapin ang kusina dito. Balak ko kaseng magkape muna bago hintayin yung may-ari at saka magpaalam na para makauwi. Okay na sana ang lahat pero bigla kong naalala na wala nga pala akong kadala-dalang pera o phone man lang dito. Naiwanan ko nga pala yung phone ko sa kotse ni Everlee kaya nahampas ko na lang ang noo ko sa inis. Anong klaseng kabobohan ba 'to?

Pagkababa ko ng hagdan ay sobrang tahimik ng paligid kaya akala ko ay mag-isa lang ako dito sa baba. Humakbang pa ako ng iilan bago ko napagtantong mali ako.

Sa isang couch ay may isang pigurang nakaupo doon. Nung una ay hindi ko ito agad nakilala dahil nakasuot ito ng nightdress na gawa sa satin na sobrang nipis kung titingnan. Mula sa nakadekwatro niyang mga hita ay dahan-dahang umakyat ang tingin ko hanggang sa napatigil ito sa dibdib niya na bumabakat dahil walang suot na bra man lang sa loob. I gulped in nervousness at napaiwas ako ng tingin. Jusme bakit naman ganto ang sumasalubong sa'kin ngayong umaga? Ang gusto ko kape hindi ho 'yan.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon