𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 9: 𝐑𝐞𝐝 𝐅𝐥𝐚𝐠

4.5K 134 38
                                    

Sa tatlong araw na lumipas ay parang masisira ang ulo ko kakaisip kay Ms. Abenson. Hindi ko nanaman alam kung anong nangyayari but after the incident in the library she suddenly went back on her usual persona, cold and aloof.

Sa tuwing magkakasalubong kami ay hindi man lang niya ako ngitian kahit na batiin ko siya. Noong huling klase nga namin sa kanya sinadya niyang hindi ako pansinin kahit man lang sa recitation. Parang wala na lang yung nangyari nung Tuesday.

Ayos na ayos 'yan, ma'am. Keep it up!

Maaga kaming pinalabas ng instructor ko sa second subject ngayon dahil pinatawag daw siya ni Ms. Dixon at dahil may kalahating oras pa ako bago magsimula ang klase kay Ms. Abenson ay pinili kong tumambay muna dito sa mini park ng university. Wala lang namiss ko lang dito.

There are other students around and they seemed like enjoying the view here. Hindi ko rin masisisi ang mga estudyante kung dito sila natambay, sobrang ganda kase dito. Nakakarelax sa pakiramdam ang paligid.

Maya-maya pa ay may tumabi sa akin ngunit hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino ito. Basta umusod na lang ako para bigyan pa siya ng extra space.

Muli kong ibinaling ang atensyon ko sa paligid. Parang ang sarap uli kumain ng ice cream ngayon tapos libre uli.

"Himala ata at tumambay ka dito" bigla na lang nagsalita ang katabi ko kaya agad ko itong nilingon.

Pagkaharap ko ay bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Beatrix. Katulad ko ay nakasuot rin siya ng Psychology class shirt. Friday kase ngayon kaya ganto ang uniform ng lahat, depende sa course ng student. Nitong nakaraan ko lang din napag-alaman na nasa senior year na pala itong si Beatrix.

"Oo pero may klase pa ko" sagot ko para naman mahalata niyang ayokong magpahila sa kanya ngayong oras.

"Anong oras? I can accompany you there" sabi niya sabay ngiti.

"10:30 pero 'wag mo na kong samahan" sagot ko.

Bigla naman bumagsak ang balikat niya pagkasabi ko nun.

"Oh so you don't really want my presence around huh?" diretsang tanong niya kaya nasorpresa ako sa biglang pagbabago ng tono niya.

"Teka hindi naman sa ganon. Ano lang kase..." napatigil ako upang maghanap ng tamang salita dahil mukhang naoffend ko siya sa sinabi ko. Grabe ang harsh ko ba talaga sa kanya?

"Ano?"

"Baka ano... baka may klase ka rin" pagpapalusot ko pero kagaya ng inaasahan hindi siya naconvince dito. Hindi naman kase siya kagaya ng iba na ang mabagal makagets.

"Avika, honestly speaking ikaw lang ang kinakausap ko ng ganto. Wala kase talaga akong tiwala sa iba but I don't know, pagdating sa'yo ang gaan ng pakiramdam ko. I enjoy every minute with you kahit literal na minuto lang tayong nakakapag-usap so it's sad to hear na ayaw mo sa'kin" mahaba niyang litanya na tila hindi si Beatrix ang kaharap ko.

Hindi agad ako nakapagsalita. Bigla tuloy akong nakonsensya dahil sa pagtrato ko sa kanya. Mukhang tama nga si Veronieka tungkol sa sinabi niya tungkol sa babaeng ito, na piling-pili lang ang mga kaibigan niya o baka ako nga lang.

Tumingin muna ako sa orasan ng phone ko bago siya tiningnan muli. Bago walang pasabi kong kinuha ang kamay niya at tumayo. She looked at me cluelessly.

"May kalahating oras pa naman ako kaya ikaw naman ililibre ko ng ice cream" sagot ko. Pambawi sa nasabi ko sa kanya.

Hindi siya umimik at hinayaan lang niya akong hilahin siya. Maya-maya pa ay nakita ko yung ice cream stall sa hindi kalayuan. Pati pala itong stall na ito ay pagmamay-ari rin ng NHU. In short, sariling gawa ang ice cream nila na akala mo ay mamahalin sa lasa.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon