Agad akong nakaramdam ng hilo dahil sa biglaang pagbangon ko.
"Ma, may tao po ata!" sigaw ko mula sa kwarto.
Naulit muli ang pagkatok ngunit hindi pa rin nasagot si mama.
Sino ba kaseng tao ang pupunta ng ganitong oras? Kaaga-aga pa eh!
Nakatatlong katok na ito kaya labag man sa loob ko ay bumaba na ako upang pagbuksan sila. Sinubukan ko munang tingnan si mama sa kusina pero ni anino niya ay wala roon.
"Saglit lang po!" hindi ko na mapigilang hindi sumigaw sa kulit ng kung sino mang nasa labas.
Hindi ka ba makapaghintay ha? Masama na nga yung pakiramdam ng tao pagmamadaliin pa.
Nakabusangot kong binuksan ang pinto at bahagyang nabato ako sa kinatatayuan ko nang makita kung sinu-sino ang dumating.
"T-teka bakit kayo nandito??" gulat na gulat kong tanong kina Veronieka at Everlee.
"Blame this to Veronieka. Sinabi ko naman kaseng 'wag ka munang bisitahin for you to rest pero tigas ng ulo" sagot ni Everlee habang nakakrus pa ang dibdib.
Marahan ko siyang tiningnan. Agaran kong napansin ang kasuotan niya ngayon. She looks extra pretty and cool on her loose shirt, cargo pants, and boots. Malayong-malayo sa pormahan ng dating Everlee ngunit hindi maipagkakailang mas gusto ko siya sa ganiyang ayos niya.
"Oh now you're blaming me? Samantalang ikaw nga 'tong halos lumipad na papunta dito" sagot ni Veronieka kay Everlee sabay irap dito.
Napaawang ang labi ko dahil sa ginawa niya. Totoo ba ito? Did she just roll her eyes to one and only Everlee Madrigal?? Pambihira.
Kagaya ni Everlee ay ang ganda rin ni Veronieka ngayon. Halos oras-oras naman maganda siya kaya nga nastarstruck ako sa unang pagkikita namin noon.
She's wearing a crop top shirt na tinernuhan ng wide leg pants and white shoes. Sa pormahan nila mukhang may iba pa silang lakad bukod dito sa amin.
Nagsimula nanamang magtalo ang dalawa kaya tumulala muna ako sa gilid. Hinihintay ko silang matapos sa bangayan nila.
Nagising na lang ang diwa ko nang bigla akong nakaramdam ng mabigat sa katawan ko. Pagtingin ko ay nakayakap na pala si Veronieka sa akin. Naitulak ko tuloy siya nang mahina ng wala sa oras.
Mukhang nagulat siya sa ginawa ko dahil mabilis na nagbago ang reaksyon niya.
"Sorry. May sinat pa kase ako kaya mahirap na baka mahawa pa kayo" paghingi ko ng paumanhin.
Iyong biglang pagsama ng pakiramdam ko the day na kumain kami ng street food ni Klinton ay nauwi sa lagnat kahapon. I'm not sure kung saan ko nakuha itong sakit ko. Maaaring dahil sa pagod o kaya ay nahawa ako sa mga nakasalamuha ko noong araw na iyon.
Masakit ang buong kalamnan at gayon din ang lalamunan ko kahapon. Ang ending napilitan tuloy akong umabsent since ayoko namang makahawa pa at mapilit din si mama na lumiban muna ako sa klase. Good luck na lang sa akin sa lunes dahil may test pa naman kami kahapon kay Ms. Abenson.
"We just missed you, Avika. Hindi ka na nga namin nakasabay kumain nung Thursday tapos absent ka pa kahapon. It's been 2 days" saad ni Veronieka.
Weh? Ako mamimiss nila? Parang malabo pa sa tubig kanal iyon.
"Avi, mga bisita mo?" tanong ni mama pagkapasok ng gate namin.
Teka nga muna, paano ba nakapasok itong dalawang ito dito kung may gate kami?
"Ma, san ka po galing?" balik kong tanong sa kaniya, iwinawagsi ang una niyang katanungan.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)
RomanceHillcrest Girl's Series #1: TANGLED HEART (Professor x Student) "Everyone has a secret to keep. It's just there are secrets that you wouldn't dare to let out" In a university full of elites, Avika Monterey got luckily accepted into North Hillcrest U...
