𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 36: 𝐌𝐞𝐫𝐫𝐲 𝐌𝐞

6.7K 194 24
                                        

(A/n: Sorry for late update. I was sick since Christmas kaya nagpahinga muna ako. Long chapter ahead para hindi ko na hatiin pa dahil naghahabol din ako ng oras kaya maghanda nang mahabang pasensya bago magbasa. Gustuhin ko mang mag-update sa New Year masyadong busy ang lola ninyo kaya happy new year in advance, gaes!)


"Merry Christmas!" sabay-sabay na sigaw naming lahat pagpatak ng alas-dose. We all stood up to make a toast. Sa pag-angat ko ng baso ay siyang pagtatama ng tingin namin ni Ms. Abenson. Napalunok ako at agad na nag-iwas ng tingin. Celebrating Christmas with the person you used to know and now one of the reason why you feel distressed is too awkward.

"Ang gagandang dalaga naman ng mga guro ninyo, iha" lola remarked in the middle of our feast. Napatigil naman ako sa paghiwa ng karne at ganon din ang katabi kong si Everlee. Ibinaling ko ang atensyon ko sa lola ko na katabi ko lang at ngumiti nang tipid.

Dalaga? Kung alam ninyo lang lola.

"Mabuti't nakarating kayo rito kahit na may kalayuan?" paling niya sa dalawa na nakaupo lang din katapat namin. Sabay uli kaming napalingon ng kaibigan ko sa direksyon nila. Parang may kung anong apoy na sa pwet ko at hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko.

"Yes po. Nung mareceive ko yung text ni Mrs. Monterey agad kaming bumyahe papunta rito and we arrived here three days earlier" Ms. Abenson replied in her most calming tone. Ngayon naaalala ko na yung garden sa background ng dp niya. Nandito lang din sa Ilocos 'yon kaya pala pamilyar.

"Ganoon ba? Saan naman kayo natuloy ngayon? May rest house ba kayo rito o kamag-anak?" tila interesadong tanong ni lola habang magkadaupan pa ang mga kamay.

"Hindi po. We're currently staying in a hotel malapit dito"

Right. Sa hotel tapos nasa iisang kwarto. Wala pang bagong taon may putukan na.

Napailing na lang ako sa naisip. Ano ba 'tong mga pumapasok sa utak ko? Wala naman na akong dapat pakialam sa kanila at sa mga ginagawa nila dahil buhay na nila yun. Ang toxic ko tuloy pakinggan pero mabuti na lang at ilang linggo na lang ay pwedeng-pwede na talaga akong makaiwas sa kanya para matapos na rin ito.

Iniangat ko ang baso ko na may lamang juice at uminom doon para mahimasmasan ako.

"Kung gusto ninyo rito na lang muna kayo matulog at bukas na lang kayo bumalik sa hotel ninyo. Delikado pa naman ang daanan dito lalo't hatinggabi na rin" alok ni lola na kagyat na nakapagpasamid sa akin. Mabilis na hinimas-himas ni Everlee ang likod ko at binigyan pa ako ng tissue.

"Ano ba 'yan hanggang dito tatanga-tanga ka pa rin?" sambit nito habang pinapakalma ako kaya patago ko siyang kinurot sa hita.

"Aray" mahina pero may gigil niyang reklamo.

Nang sumulyap muli ako sa dalawa ay nakatingin na rin sila sa amin kaya iniayos ko ang sarili ko. Nang matapos ay kay lola naman sila tumingin.

"Sige po kung pwede naman dito na lang muna kami tumuloy... Thanks for offering" magiliw na tugon ni Ms. Abenson kaya napasimangot ako. Bakit ba kung nasaan kami naroon ay nandoon din sila? Konti na lang ay iisipin ko na na iniistalk nila kami.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain habang matamang nakikinig sa usapan nila. Iilang minuto lang ang lumipas at natapos na kaming magsalu-salo. Kanya-kanyang bigay na kami ng mga regalo namin para sa isa't isa. May natanggap naman ako mula sa lahat pwera na lang talaga sa dalawang guro na nanonood lang sa aming magbukas ng mga regalo. Relo naman ang natanggap ko kay Everlee na agad kong isinuot.

"Ateeee" tawag sa akin ni Angelica habang tumatakbo. Lumuhod ako para pantayan ang height nito. Niyakap ko siya at muling pinanggigilan ang pisngi niyang malasiopao sa laki.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon