𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 53: 𝐅𝐚𝐥𝐥𝐚𝐜𝐲

3.6K 109 34
                                    

(A/n: Sorry for this very late update, sinulat ko na kase hanggang ending pero hanggang ngayon nagsusulat pa rin ako lintek. Anyway, long chapter ahead pero yung next update will be the last one then first part na ng epilogue. Kapit lang, mga bakla. Matatapos na rin 'to)







"Roz"

"What?"

"Stop the car"

Kunot ang noo na sinulyapan ako nito. "Ano nanaman ba? We need to go home now. Gusto mo bang mahuli tayo nina mommy?"

"Kaya nga pinapatigil kita para ako na lang mag-isa ang pupunta roon" kagaya niya ay napasimangot na rin ako. Kanina pa kami nagtatalo simula nung umalis kami sa presinto dahil sinabi ko sa kanya na gusto kong puntahan si Klinton ngayon. Galit lang ang tangi kong nararamdaman sa mga oras na 'to na kahit siguro si Thaleia ay hindi ako mapipigilan.

"And you think papayagan kitang pumunta roon? Sobrang delikado nang gusto mong mangyari" ramdam ko na naiinis na rin siya pero hindi ko ininda yun dahil mas nananaig ang galit sa'kin.

"Everlee, I don't need your permission para gawin kung anong gusto ko kaya itigil mo na 'tong kotse" pinipilit kong maging mahinahon.

Hindi siya umimik at nakita ko na lang ang paghigpit ng hawak niya sa manibela na mas lalong nakadagdag sa inis ko. Tila nawala na talaga ako sa katinuan nang bigla kong inunlock yung pinto ng kotse na agad na ikinataranta niya.

"What the fuck?! Stop that, Avika!"

"If you won't stop this car then I will jump to get out of here!" pagbabanta ko sa kanya at bahagyang binuksan yung pinto.

"What the heck is wrong with you?! Gagawin mo talaga 'yan mapuntahan lang ang gagong yun?!"

"I said stop! One!" I started counting on her.

"Fuck! You're really out of your mind! Fuck it!" kung ano-anong mura na lang ang lumabas sa bibig niya nung tuluyan kong binuksan yung pinto.

"Two!"

"I swear to fucking dipshit!"

"Three!"

"Fine! Oh God!" she then pulled the break on the roadside. Hingal na hingal siyang tumitig sa daan habang ako ay napatulala.

"What the hell? I can't believe I'm doing this" dinig kong bulong niya sa pagitan nang mabibigat niyang paghinga.

We were staring at the road in utter shock for a couple of minutes. Kahit ako ay nagulat sa ginawa ko.

Eventually, she decided to come with me in the hospital. Hindi bale, huling beses ko nang idadamay si Everlee rito o kahit na sino sa kanila. Sasaluhin ko lahat ng consequences nitong gagawin ko ngayon.

"Roz, umuwi ka na. Uuwi na lang ako mag-isa" sabi ko nung matanggal ko na ang seatbelt.

"Gago ka ba? Damay na 'ko rito kaya isama mo na rin ako sa kamatayan mo. Tanginang buhay 'to" bubulong-bulong nitong sambit pero imbes na matakot ay natatawa na lang ako sa isipan ko dahil sa itsura nito. She was in the verge of crying earlier.

"Tangina talaga matapos lang lahat ng 'to magpapakatino na ako" dugtong pa niya bago lumabas ng kotse. Nauna pa talaga siyang lumabas kaysa sa'kin.

Dumiretso kami sa front desk at doon itinanong yung room number ni Klinton pero parang nag-alangan yung nurse at mataman lang kaming tinitigan. We're still in our uniforms kaya siguro nagtataka siya.

Maya-maya ay nagulat na lang ako nung biglang hawakan ni Everlee yung kamay ng nurse. Napansin kong biglang namula yung pisngi ng nurse na sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad sa'min.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon