"Are you free this Saturday?"
"Hindi ko sure eh. May mga pending activities and research pa akong hindi natatapos"
"Sayang isasama sana kita sa Tagaytay. Yung tropa ko kase nagyaya pumunta roon. You know early celebration ng tropa for Valentine's Day" oo nga pala, may isang linggo na lang bago dumating ang araw ng mga puso.
"Sorry. Sa susunod na lang siguro" I answered as I smiled at her apologetically. Gustuhin ko mang tanggapin ang paanyaya niya ay totoong natambakan na ako ng gawain lately at saka feeling ko hindi ako magpifit-in sa circle of friends niya knowing na lahat sila ay mga anak artista.
"It's alright. Marami pa namang next time" nakangiting turan niya.
Nang makarating sa tapat ng lecture room kung saan ang professor namin ay si Ms. Abenson ay napahinto ako. Napahinto rin si Justine at binigyan ako ng nagtatakang ekspresyon.
"Why?"
"Ah ano... May nalimutan pala akong daanan. Mauna ka na pumasok" sagot ko sa pag-aakalang nasa loob na siya.
"Kung gusto mo samahan na kita. May 10 minutes pa naman bago magstart" she offered which I immediately declined.
"Hindi na. Baka malate ako tapos madamay ka pa" saglit niya akong tiningnan bago sumagot ulit.
"Sige. Bilisan mo para 'di ka malate"
Hinintay ko muna siyang makapasok sa loob bago ako tumalikod para sana pumunta sa kung saan man. Magpapalate ako ngayon kahit mga 15 minutes lang.
Nakakailang hakbang pa lang ako nung biglang bumukas ang elevator at natigilan ako nang lumabas mula roon si Ms. Abenson na dahilan kung bakit gusto ko magpahuli. Agad kaming nagkatinginan since kami lang naman ang tao rito sa hallway. Bumalik nanaman sa pagiging walang buhay ang mga mata nito.
Bumaba naman ang tingin ko sa braso nitong hanggang ngayon ay may benda pa rin. Kahit hindi na niya ako pinapansin ay pasimple ko pa ring chinicheck yun sa tuwing may klase kami.
Natigilan din siya at umabot ng limang segundo bago siya bumitaw sa titigan namin. She swiftly walked past me like I wasn't there at all. Nakapasok na siya ngunit ako ay nanatiling nakaestatwa roon. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil mahigit dalawang linggo na niya akong hindi ginugulo kagaya ng gusto kong mangyari o mainis dahil pakiramdam ko parang bumalik lang siya sa dati? I don't have any idea what happened after the incident, basta wala na. Hindi na niya ako kinausap pa at kahit tingnan ako ay parang ang hirap para sa kanya.
Hindi ko na itinuloy ang plano kong pagpapalate sa klase niya at nagtuloy na lang sa loob. Tiningnan ko pa siya na prenteng nakaupo sa table niya pero diretso lang siyang nakatingin sa harap ng klase.
Isang malawak na ngiti na galing kay Justine ang sumalubong sa'kin nung makita niya akong paparating na.
"Oh I thought may pupuntahan ka?" usisa nito. Napansin ko naman na may iginuguhit nanaman siya sa likod ng notebook niya. Kinuha ko yun at pinagmasdan maigi.
"Hindi na 'ko tumuloy. Nakasalubong ko si ma'am eh syempre nakakahiya naman kung malelate pa 'ko" sagot ko habang pinagmamasdan yung drawing niya.
"It's a naked woman" sabi nito na lihis sa pinag-uusapan namin. I looked at her confused before she proceeded.
"Yung nakadrawing dyan, it's a naked woman" pag-uulit niya kaya medyo namilog ang mga mata ko.
Muli kong ibinaling ang atensyon ko roon at totoo nga. Habang tumatagal ang pagtitig ko ay nakikita ko ang isang babaeng nakahubad habang nakahiga sa kama. Sa tingin ko ay front view yun ng babae dahil na rin sa hubog ng katawan nito at maselang parte ng katawan.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)
RomanceHillcrest Girl's Series #1: TANGLED HEART (Professor x Student) "Everyone has a secret to keep. It's just there are secrets that you wouldn't dare to let out" In a university full of elites, Avika Monterey got luckily accepted into North Hillcrest U...
