Bumalik ako sa pwesto ko nang wala sa sarili. Kung akala ko ay magiging madali ang pag-iwas sa kanya ay napakalaking katangahan ng naisip ko dahil ito nanaman siya at ginugulo ang isipan ko.
Nagpatuloy ang takbo ng program. May magpeperform then draw uli ng mananalo para sa raffle. Mabuti na lang ay kanina pa umalis sina Ms. Abenson at ma'am Zhariah kaya natahimik na rin ako kahit papaano. Baka naglalampungan na kung saan dahil busy ang lahat dito.
It's already 6 sharp in the afternoon kaya medyo lumulubog na ang araw at kalahating oras na lang din ay sisimulan na ang pagbubukas ng Christmas light.
"After this performance we will be having our last draw and the lucky winner will bring home..." tumigil si Bea at kasunod nun ay ang pagpapatugtog ng drum roll.
"iPhone!" imbes na hiyawan ay natahimik ang lahat na parang hindi makapaniwala sa nadinig.
Nagkatinginan kami ni Everlee dahil alam naming pareho na yung iPhone na yun ay yung ibibigay sana ni Ms. Abenson na tinanggihan ko. Akala ko nagbibiro lang siya nung mga oras na sinabi niyang ipaparaffle niya yun, totoo pala.
"Kung hindi mo sana tinanggihan yun ay napalitan mo na 'yang phone mo. Minsan kase utak gamitin mo hindi puro ka tanggi" iiling-iling na sabi niya. Naikwento ko na kase sa kanya kung papaanong nabasag 'to at pinipilit niya na si ma'am naman daw talaga yung may kasalanan nun kahit saang anggulo tingnan. Basta ako hindi ako nagsisisi na tinanggihan ko yun.
"Yup. I know that it's quite shocking to hear but this "unknown sponsor" is that affluent to give this prize without second thought kaya good luck mga bading" sabi nito habang pinaflash sa screen ang halo-halong pangalan namin. Kusa kase itong titigil kapag may napili na yung application. Sa dami ng kasali ay halos hindi na namin mabasa yung mga pangalan sa sobrang bilis ng pagflash ng mga pangalan. Maya-maya ay unti-unti na 'tong bumagal hanggang sa tumigil na ito.
Avika Monterey
BS Psychology
Kagyat na napasigaw sina Everlee at Veronieka samantalang nakatulala pa rin ako sa pagkagulat.
"Tangina tumayo ka na" yugyog sa'kin ni Everlee at pinagtulakan ako papunta sa harap.
Wala sa sariling umakyat ako ng stage habang yung iba ay todo "Sana all!" sa akin.
Si Beatrix mismo ang nag-abot ng kahon nito at niyakap pa ako na hindi naman niya ginawa sa ibang nanalo.
"Congrats" she whispered after she parted from the hug. Kinindatan niya pa ako.
"Thanks?"
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip na nakuha ko yung pinakamalaking premyo. Nasa loob na ito ng bag ko at parang ayaw ko pang buksan. Parang ang weird kung nagkataon lang na ako ang napili roon.
Napalingon na lang ako kay Beatrix nang tapikin nito ang balikat ko. "Ano ready ka na?"
"Para saan?" takang tanong ko.
"Para sa Christmas Lighting" sagot niya.
"Of course. Ito lang naman hinihintay ko"
Kasunod nun ay may nagsalita sa uli sa speaker. Mukhang may pahabol pang anunsyo bago ito mangyari.
"Before the highlight of this event, I have very important announcement for everyone" umpisa nito kaya matamang nakinig ang lahat.
"We, the Student Council members thought of a twist for this year's Christmas Lighting Ceremony and that's the Yuletide Kiss" sabi nito na umani ng iba't ibang klase ng reaksyon.
"I will give the remaining 10 minutes for you to find your favorite person around the university and bring her beneath the Christmas tree. Furthermore, you'll going to kiss her in cheeks or forehead after we light up our campus. It could be your special someone, friends, or relatives, depende sa trip mo and your time starts... Now!" mabilis pa sa alas-kwatrong nagsitakbuhan ang iba para hanapin ang mga "favorite person" nila kuno habang yung iba ay hindi alam kung saan pupunta.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)
RomanceHillcrest Girl's Series #1: TANGLED HEART (Professor x Student) "Everyone has a secret to keep. It's just there are secrets that you wouldn't dare to let out" In a university full of elites, Avika Monterey got luckily accepted into North Hillcrest U...
