A/n: I'm not a fan of a beauty pageant but I'll do my best para maging detail itong chapter na 'to. In case na may alam kayo about pageantry then kindly correct me kung may mali man akong masusulat. Enjoy reading!
-
Pagkasandok ni mama ng niluto niyang fried rice sa plato ko ay nagsimula na kaming kumain ng almusal.
"Ma, manood ka mamaya ha" bilin ko sa kanya.
"Pang-ilang ulit mo na 'yang sinabing bata ka ha? Nakita mong hindi ako pumasok para sa'yo tapos ayan ka nanaman" sagot niya kaya natawa ako ng bahagya. Para na kase akong sirang plaka na paulit-ulit sa kanya simula pa kagabi.
May ilang oras pa naman bago magsimula ang pageant pero grabe na yung kaba ko ngayon palang.
"Sorry naman, ma. Alam mo namang isa ka sa inspirasyon ko para ituloy yung pageant eh kaya 'di pwedeng wala ka dun" paglalambing ko.
Kahit naman hindi siya vocal sa nararamdaman niya ay ramdam ko ang pagsuporta niya sa'kin kahit sa maliit na bagay. Syempre kaming dalawa na lang ang magkasama sa buhay kaya sino-sino pa bang susuporta sa aming dalawa kung hindi kami lang din.
Hindi siya kumibo pero alam kong kinikilig na 'yan sa kasweetan ng unica ija niya.
"Nga pala nagkakausap pa ba kayo ni Klint? Parang ilang linggo ko na siyang hindi napapansin kahit sa resto" singit ni mama kaya napatigil ako sa pagkain.
Napahigpit ang hawak ko sa kutsara't tinidor na gamit ko. Hindi pagkasabik o pagkatuwa ang naramdaman ko nung nadinig ko ang pangalan ng lalaking yun kung hindi inis.
Humigop muna ako sa kape ko bago sumagot.
"Wala na po akong balita sa kanya. Baka busy lang talaga siya sa school activities"
"Maaari pero 'di ba niya nabanggit man lang kung aattend siya mamaya?" muling tanong ni mama.
"Mabuti nga hindi" aksidente ko itong nasabi kaya nakatanggap ako ng tingin kay mama.
"Anong mabuti nga?"
"Ano, ma... Ibig kong sabihin mabuti nga at hindi siya pupunta kase baka pagod yung tao kaya mas maigi kung ipapahinga na lang niya" pagdadahilan ko.
Tumango-tango na lang siya at sa kabutihang palad ay hindi na uli nagtanong pa.
Para akong bibitayin sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Halos mapuno na ang inbox ko kakareceive ng mga good luck messages ngunit ang katangi-tanging tao na inaasahan kong magmessage sa'kin ay hindi nagparamdam. Sabagay ano bang aasahan ko sa kanya? Hindi naman niya sakop ang pangungumusta sa akin.
Pasado alas kwatro na ng hapon nang dumating si Everlee para sunduin ako. Kinakailangan kaseng mas maaga kami sa venue dahil doon na kami aayusan ng mga make-up artist na itatalaga sa'min ng NHU.
"Ma, alis na po kami!" sigaw ko dahil mukhang nasa kwarto si mama.
"Teka lang!" sigaw niya pabalik kaya naghintay muna kami ni Everlee sa sala. Hindi rin naman nagtagal yun dahil agad din siyang lumabas.
Lumapit ito sa akin at tinitigan lang ako na ipinagtaka ko.
"Bakit po, ma? May nagawa nanaman po ba akong kalokohan?" pabirong tanong ko ngunit umiling lang siya at ngumiti.
"Wala naman. Gusto ko lang sabihin na good luck. Manalo o matalo ka man palagi mong tatandaan na proud na proud si mama sa'yo" madamdaming sabi niya kaya muntikan na tuloy akong maiyak.
Hindi ko na natiis pa at niyakap na nang mahigpit si mama.
"Salamat po, ma. Pangako ko po gagawin ko ang best ko mamaya" sabi ko.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)
RomanceHillcrest Girl's Series #1: TANGLED HEART (Professor x Student) "Everyone has a secret to keep. It's just there are secrets that you wouldn't dare to let out" In a university full of elites, Avika Monterey got luckily accepted into North Hillcrest U...
