𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 2: 𝐈𝐜𝐞𝐝 𝐂𝐨𝐟𝐟𝐞𝐞

7.1K 172 15
                                    

It's been weeks since the incident happened. Maraming kakaibang nangyari sa akin kagaya na lang ng pagiging magugulatin ko kahit sa mahinang tunog lang at naging bugnutin din ako but I'm working on it. Unti-unti na ring bumabalik ang lahat sa dati pero hindi pa rin maiwasan ang pagkakaroon ng kaba sa tuwing lalabas ako.

Naging usap-usapan rin sa balita ang nangyari pero mabilis ding nawala pagkalipas ng isang linggo. Ganoon naman lagi sa balita, mabilis mawala kapag may bago na uling mapag-uusapan.

Sa kabila ng mga nangyaring masama ay may maganda rin namang kapalit ito. Nakatanggap ako ng isang email from North Hillcrest nitong nakaraang linggo lang. Halos magtatalon ako sa tuwa noong mabasa ito. Isa ako sa mga masuswerteng natanggap sa mga scholar nila and they also invited me for their orientation today kaya kahit alas-nueve pa ito gaganapin ay gising na ako ng alas-singko ng madaling araw.

"Ma alis na po kami" pagpapaalam ko kay mama na busy sa paghahanda sa pagpasok niya sa restaurant nina Klinton. Imagine kina Klinton siya nagtatrabaho pero mas nauna pang sunduin ako ng kaibigan ko kaysa sa pagpasok niya. Mukhang nagiging early bird si Klinton simula noong nangyari ang aksidente. Hindi na rin kase ako pinapayagan ni mama lumabas ng bahay ng hindi kasama si Klinton.

"Oh sige. Yung mga binilin ko sa'yo ha. Mag-iingat kayo" sabi ni mama bago ako hinalikan sa pisngi ko.

"Opo, ma. Mag-iingat din po kayo sa pagpasok"

Hindi na rin kami nagtagal at umalis na kami ni Klinton.

"So congrats?" pagbasag ni Klinton ng katahimikan habang nasa byahe pa kami. Sa tono ng boses niya ay mukhang hindi pa nga siya sigurado sa sinabi niya.

"Thanks. Ikaw ba kumusta pala sa uni ninyo?" tanong ko rito.

"It's fine, I guess? Mukhang exciting naman pumasok doon kaso mas okay sana kung nandoon ka" mahina niyang sabi.

Napatingin na lang ako rito ng walang sinasabi. Wala eh nasanay na ako sa pamimilit niya. Kaysa makipagtalo ay hinahayaan ko na lang.

Muli kaming nabalot ng nakakabinging katahimikan. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Naeexcite na ako sa mga puwedeng mangyari simula ngayon. Bukod sa pag-aaral doon ay naeexcite rin ako dahil puro babae lang ang makikita ko doon. Siguro naman sa dami ng student doon magkakaroon na ako ng babaeng kaibigan. Simula kase ng maging magkaibigan kami ni Klinton wala na akong naging kaibigan na babae. May mga kaclose naman ako pero parang minsan kinakausap lang nila ako para mapalapit kay Klinton.

Busy ako sa pagdedaydream nang bigla akong magulantang sa biglang pagpreno ni Klinton. Pagkalingon ko sa harap ay may nakita akong motorbike na sumingit sa harapan. Humarurot lang ito pero tandang-tanda ko ang itsura ng motor nito. Hanep walang pakundangan sa daan.

"Fuck!" narinig kong mura ni Klinton.

"Are you alright??" nag-aalalang tanong niya sa akin. Sa sobrang gulat ko ay hindi ako makapagsalita kaya tumango lang ako.

"What's wrong with him?!" pagalit na saad ni Klinton. Alam ko sa mga oras na iyon na mainit na agad ang ulo niya. Minsan lang magalit itong si Klinton at ayokong-ayoko na makita ang bersyon niya na iyon. Minsan na kase siyang nagalit ng todo dahil sa pagtatanggol sa akin. High school pa lang kami noon and I was catcalled by some of our schoolmates. Biglang napikon si Klinton at halos mabasag na niya ang mukha ng isa sa mga lalaki. Mabuti na lang ay wala ng nangyaring reklamuhan.

"Klint kalma ka na. Okay naman na tayo. Paniguradong makakarma kung sino mang mokong 'yon" pagpapakalma ko sa kaniya.

"Kahit na. Muntikan na tayong maaksidente dahil sa kaniya" sagot nito.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon