Walang nagsasalita sa aming tatlo ni mama at tita Isabelle. Magkatapatan lang silang dalawa habang nakaupo sa sopa namin habang ako naman ay tahimik lang sa gilid. Pagkadating na pagkadating namin kanina dito ay halos hindi makapagsalita si mama sa nadatnan niya.
"Uhm, Mrs. Monterey pumunta ako dito para ihatid si Avika and to apologize on what happened" pagbasag ni tita Isabelle sa katahimikan.
"Ano bang nangyari sa kanya?" mahinahon na tanong ni mama.
Inayos muna ni tita Isabelle ang upo niya bago nagpaliwanag.
"It was an accident actually but since it happened inside our premises sa tingin ko ay may kasalanan din kami especially my daughter, Everlee. They told me na bigla raw inatake ng pulikat itong anak ninyo and sadly na-out of balance siya na nagresulta ng sprain niya"
Hindi agad umimik si mama kaya kinabahan na ako. Kung pwede lang huwag na sanang umuwi si tita Isabelle para hindi ako sermunan ni mama after this.
"But don't worry kung sakaling kinakailangan ipax-ray ang paa ni Avika then kami na ang magbabayad sa gastos. As a mother, I'm doing this kase ayoko ring nasasaktan ang anak ko kaya I'm deeply sorry"
"Naiintindihan ko. Aksidente ang nangyari" iyon lang ang tanging sinabi ni mama.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin si tita Isabelle kaya inihanda ko na ang sarili ko sa bunganga ni mama.
"Ma" pagtawag ko sa atensyon nito dahil kanina pa siya nakatayo sa harapan ko nang walang sinasabi.
"Masakit pa ba?" tanong niya na ikinagulat ko.
"Hindi naman na po" sagot ko.
Tumango-tango lang ito bago pinaakyat na ako sa kwarto.
"Oh sige na matulog ka na. May pasok ka pa bukas" mahinahon niyang turan kaya nagtataka ko siyang tinitigan. Aba himala ata ito.
"Sige po?" hindi pa nga ako sigurado sa sagot ko kase baka nagkakamali lang ako ng dinig kaso mukhang mahinahon talaga si mama ngayon.
Sinunod ko na lang si mama at kaagad na umakyat ng kwarto ng may pag-iingat. Naghanap ako ng pamalit na damit sa loob ng cabinet nang biglang may nahulog mula sa loob.
Unti-unti akong yumukod para pulutin ito. Ito yung ballpen na binigay ni Ms. Abenson ilang linggo na ang nakakalipas.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng konsensya dahil sa pagkakatanda ko ay mahal daw ang ballpen na 'to.
Kinabukasan ay medyo tinanghali na ako ng gising dahil nahihirapan talaga akong bumangon dahil sa paa ko. Pagkababa ko naman ay may nakahanda ng pagkain sa lamesa pero wala na si mama.
Sa totoo lang mas natatakot pa ako sa tuwing tahimik siya. Pakiramdam ko may iniisip na siyang hindi maganda kagabi eh.
Kumalam na ang sikmura ko kaya hindi na ako nagsayang pa ng oras at kumain na.
Pagpasok ko pa lang sa first subject ko ay hindi na ako tinantanan ng mga blockmate ko kakatanong kung anong nangyari sa paa ko. Napapagod na nga ako kakapaliwanag eh.
Pagdating naman ng lunch ay napansin kong sobrang tahimik ni Everlee at tanging si Veronieka lang ang dumadaldal. Alam ko namang sinisisi pa rin niya ang sarili sa nangyari kaya kahit sinasabi kong wala naman talaga siyang kasalanan ay wala ring silbi. Panaka-naka naman niya akong kinakausap kaso maaga siyang nagpaalam sa'min kanina.
Kinahapunan ay dumiretso ako sa Burgundy building at nagtungo sa isa sa mga office doon.
I heaved a deep breath before knocking on the door. Maghapon ko itong pinag-isipan kaya ngayong nandito na uli ako ay there's no way to quit pa. Sabagay this would be my last time here naman kaya buong-buong na talaga ang desisyon ko.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)
RomanceHillcrest Girl's Series #1: TANGLED HEART (Professor x Student) "Everyone has a secret to keep. It's just there are secrets that you wouldn't dare to let out" In a university full of elites, Avika Monterey got luckily accepted into North Hillcrest U...
