I was surprised to see Ms. Abenson sitting inside the lecture room already as soon as I arrived. May 10 minutes pa naman bago magstart ang klase pero nandito agad siya.
Pumasok na ako at dumiretso sa unahan kung nasaan ang upuan ko. Pagkadating ko roon ay maingat kong inilapag ang bag ko, iniiwasang makagawa ng ingay.
Pasimple akong tumingin sa propesora namin habang busy siya sa MacBook niya. Ayos ah palaging early bird siya ngayon.
Ilang minuto ang dumaan bago siya tumayo. Inilabas niya ang projector mula sa lagayan nito.
"You're going to watch a short film and make a reaction paper out of it after. Pass it on our next meeting. Pandagdag lang 'to sa tasks ninyo since we're already running out of activities to do" pagpapaliwanag niya habang tinatanggal yung cord ng projector.
"Pakibaba ng blinds at pakisara ng pinto. Monterey, help me here" utos niya kaya tumayo yung mga malapit sa Venetian blinds at sa pinto para isara ito samantalang ako ay lumapit sa kanya.
Her sweet scent abruptly penetrated in my nostrils as I plastered a small smile. Hindi ko yun pinahalata at baka mapagkamalan akong nasisiraan na.
Hindi maiwasang hindi kami magkasanggian ng kamay habang nag-aayos kahit na ang luwag-luwag naman ng pwesto namin. Madali ko tuloy napansin ang sugat niya na medyo natutuyo na.
"Don't stare too much. You're too obvious" bulong niya ng hindi ako tinitingnan. Napailing na lang ako dahil sa kagagahan ko. Masyado ba talaga akong obvious??
Binilisan ko na lang ang pag-assist sa kanya dahil pakiramdam ko matutunaw na ako sa kahihiyan. Nahuli niya ako. Hindi naman talaga ako mahilig tumitig sa tao pero pagdating sa kanya awtomatikong dumadapo ang tingin ko. Nasaan na yung Oplan Iwasan si Ms. Abenson??
Nang maiayos na ang lahat ay nagmamadali akong bumalik sa kinauupuan ko. Kinuha ko yung panyo ko mula sa bag at ipinunas yun sa pawis kong tumatagaktak na. Nakafully air-conditioned ang lahat ng kwarto rito pero ganon na lang ang pawis ko ngayon.
The movie began rolling shortly after as everyone's eyes are fixated on the screen. Nagtetake down notes ako ng important details nung film para kapag nalimutan ko ay may maisusulat pa rin ako sa reaction paper. Mabuti na lang at film 'tong pinagkakaabalahan namin ngayon para naman hindi puro yung professor lang namin ang titignan ko.
Naantala na lang ang panonood namin nang may kumatok sa pinto. Kagyat na pinause ni ma'am ang video at pinabuksan yung pinto sa blockmate ko. Pagkabukas ay sumalubong ang nakangiting mukha ni Beatrix. Sa akin agad ang tingin niya imbes na hanapin ang nagtuturo sa amin ngayon.
"Excuse me, Ms. Abenson. Pwede po ba kay Monterey?" wika niya nung sumilip siya kay ma'am na magkakrus na ang mga bisig.
"Why? Is that urgent?" tanong naman ng propesora namin sa masungit na tono.
"Yes, miss. May papipirmahan lang para sa winners ng raffle last Friday"
Hindi agad sumagot si Ms. Abenson at parang nag-iisip pa. Naglakad siya papuntang unahan bago tumingin sa'kin.
"Alright. Lumabas ka na, Monterey" sabi niya kaya tumango na lang din ako. Yumukod ako bilang paggalang nung dumaan ako sa harapan.
Nang makalabas ay sinarahan ko yung pinto at saka hinarap si Bea.
"Akala ko hindi papayag" sabi niya.
"Papayag yun. Urgent eh"
"Yup so here" iniabot niya sa'kin ang isang ballpen at papel na agad kong tinanggap. Binasa ko muna ang nakasulat doon. Patunay lang na ako ang nakareceive ng phone na ipinaraffle nila kuno para siguro ebidensya para sa sponsor na halata namang si Ms. Abenson lang din.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)
RomanceHillcrest Girl's Series #1: TANGLED HEART (Professor x Student) "Everyone has a secret to keep. It's just there are secrets that you wouldn't dare to let out" In a university full of elites, Avika Monterey got luckily accepted into North Hillcrest U...
