𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 46: 𝐑𝐢𝐝𝐞 𝐨𝐫 𝐃𝐢𝐞

3.8K 128 16
                                    

TRIGGER WARNING: ATTEMPTED RAPE AND MURDER. This chapter may trigger some of you kaya kung hindi kayang basahin you can skip the first part and go to the last part. Sorry in advance if this may not reach your expectation pero nung una pa lang sinabihan ko na kayo na novice writer lang ako. Also, every character has its own flaws at hindi maiiwasang makagawa ng katangahan sa buhay. There's no such thing as "PERFECT" so if you ever feel na naiinis ka sa character o sa isang scene then have a break from reading and then go back kapag wala na yung inis mo. Katulad ninyo ay reader lang din ako at may pagkakataon talagang nakakabwisit yung isa o parang halos lahat ng character but at the end, the book is still worth to read. This isn't applicable to my story only but to all books out there. Now, have a longer forbearance reading this chapter, thank you.


"Avika, it's been a while"

It felt like I was trapped inside a room that has no door nor window. Pakiramdam ko nawawalan ako ng hangin at lakas sa nakikita.

The way he looked at me and his smile abruptly sent chills to my spine. Hindi lang 'yon ang napansin ko kung hindi ang mismong itsura niya. Ang haba na ng buhok niya, halatado rin ang puyat dahil sa malalalim at malulungkot na mga mata nito, at sa ilalim noon ay yung maiitim na eyebags. Nagpatubo rin siya ng balbas kaya mas mukhang nagmatured ang itsura niya. He looks so distressed and wretched.

"Itinago mo pa rin pala 'tong binigay ko sa'yo?" tila natutuwa niyang saad at doon ko napansin na hawak niya yung teddy bear na natanggap ko nung Valentine's Day.

"Ikaw ang n-nagbigay niyan?" parang inulit ko lang yung sinabi niya kanina.

"Of course, it was no other than me. Ako lang naman ang magbibigay sa'yo ng regalo" sambit niya na parang ipinapamukha sa'kin na siya lang ang tanging kaibigan na meron ako.

So the five letters wasn't Avery at all but Klint.

"K-Klinton, umalis ka na" nangangatal ang bibig ko sa pinaghalong takot at galit.

"No" bigla namang nawala ang ngiti nito at naging seryoso.

"Tama na ang ilang buwang paghihintay ko, Avi. Sasama ka sa'kin sa Australia sa ayaw at gusto mo. Doon tayo magtatapos ng pag-aaral at--"

"Tumigil ka! Hindi na ikaw ang kaibigan ko! Lubayan mo na ako!" sigaw ko sa kahibangan na sinasabi niya at nagmamadaling bumaba ng hagdan.

"Avi!" kasabay ng sigaw niya ay ang muling pagdagundong ng kulog kaya parang mas dumoble yung kaba ko. Gusto kong humingi ng tulong pero sa gantong klaseng sitwasyon ay walang makakadinig sa'kin.

I ran my way to the ground floor but when I almost reached the door, he grabbed my hair. Hinila niya ako kaya napasigaw ako sa sakit ng pagkakahawak niya sa buhok ko.

"Hayop ka, Klint! Nasasaktan ako!" I screamed frustratingly, trying hard to get out of his grip.

Maya-maya ay nagawa niya akong sikmuraan kaya kagyat akong nanghina at napaupo.

"B-Bakit mo ba ginagawa 'to?" I was able to ask that despite of the shoot of pain that I was feeling in my stomach. Nakahiga na lang ako sa sahig at namimilipit habang siya ay nakatayo lang sa harapan ko.

"Hanggang ngayon ba naman hindi mo pa rin makita ang halaga ko?! Mahal kita, Avi! I'm in love with you matagal na!" pagwawala niya habang hawak-hawak ang ulo at pabalik-balik ng pwesto. From that moment, I learned that I already lost my best friend. Yung ikinikilos niya hindi na normal.

Humikbi ako nang mahina. Ano bang nangyari sa taong itinuring kong kapatid noon? Bakit kailangang humantong sa ganto ang lahat?

"Klint, please stop this. Walang mangyayari sa ginagawa mo. K-Kapag itinigil mo 'to baka sakaling bumalik yung dating tayo" pagmamakaawa ko kaya tumigil siya sa paglalakad pero bigla naman itong tumawa. Mahina lang yun sa una hanggang sa lumakas ito nang lumakas na halos yung tawa na lang niya ang dumadagundong sa tenga ko. Mas lalo akong napaiyak.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon