𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 51: 𝐒𝐧𝐨𝐰 𝐔𝐧𝐝𝐞𝐫

5K 153 18
                                        

[A/n: I guess there are 4-5 chapters left before the epilogue then the epilogue would have 2-4 parts. Pipilitin kong tapusin 'to within this month para makapagpahinga na muna ako sa pagsusulat. Enjoy reading! Lol]


I have this bad hunch since yesterday morning na para bang mawawala na sa'kin si Thaleia any moment from now and it just happened na sinabi na niya ang plano niya kaya mas lalong dumoble ang takot ko.

Hinding-hindi ko pagsisisihan kailan man ang nangyari sa'min kagabi kahit na medyo humahapdi pa ang gitna ko. Honestly speaking, pakiramdam ko may napunit sa loob lalo na nung tatluhin niya ang daliri niya.

Napadilat ako ng mga mata nung may madinig akong ingay mula sa labas na para bang may nagwawala roon. I called her name as my heart rate went wild suddenly.

Mas lalo ko lang nakumpirma na may masamang nangyayari nung pinipigilan niya akong lumabas mula rito sa shower room. Ilang minuto lang ang lumipas ay hindi ko na madinig ang boses niya.

Pinilit kong tumayo mula sa bathtub at kinuha yung bathrobe sa gilid. I quickly wore it and tried to step forward when I felt a pain in my center. Napangiwi ako sa sakit pero kailangan kong unahin si Thaleia.

Marahan akong naglakad palabas at tiningnan ang paligid pero wala na siya rito sa loob ng kwarto.

"Thaleia?" as I called her name, I heard voices coming from the outside. Tila nawala ang sakit na nararamdaman ko at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto. Nang marating ko yung hagdan ay nanlaki ang mga mata ko sa bumungad sa akin sa ibaba.

Police officers. Guns. Handcuff. Mama. Tita Isabelle. Ma'am Zhariah. Pero ang tuluyang nakapagpalambot ng tuhod ko ay nung makitang hawak na ng mga pulis si Thaleia. They handcuffed her for freaking sake!

Kasunod nun ay ang pag-alingawngaw ng isang sampal.

"Ipinagkatiwala ko sa'yo ang anak ko, Thaleia! Bakit mo ginawa sa'min 'to! Hindi ka na nahiya, professor ka pa naman!" galit na galit ang boses ni mama na kahit ako ay napaatras sa kinakatayuan ko.

Akmang sasampalin pa ulit ni mama si Thaleia ay sumigaw na ako. Napalingon silang lahat sa akin at mas lalo akong nanlumo nung makitang blangkong nakatingin na lang si Thaleia sa'kin.

I ran my way downstairs nang hindi iniintindi ang tawag ni mama sa'kin. Mahal ko si mama at siya ang pinakaimportanteng tao para sa'kin pero hindi ako papayag na saktan niya o kahit ng sino man si Thaleia.

Nang makarating ako sa ibaba ay malinaw kong nakita ang paglandas ng mga luha ng babaeng mahal ko. Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko habang tumatakbo palapit sa kanya.

Narating ko ang pwesto niya at akmang yayakapin na siya nung bigla niyang iniiwas ang mukha at umatras palayo sa'kin. "D-Don't go near me, Avika"

Hindi ko alam kung anong pakiramdam nang masaksak pero sa mga oras na yun ay may kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko.

"Hindi... Maaayos pa natin 'to hindi ba?" tanong ko at muling humakbang papalapit sa kanya pero muli siyang humakbang at nagitla na lang ako sa pagsigaw nito.

"I said stay away from me!"

"N-No! T-Thaleia, nangako ka sa'kin!" I yelled.

"Avika, lumayo ka sa kanya!" bulyaw ni mama pero hindi ko man lang siya binigyan ng pansin. Sinubukan kong humakbang muli palapit kay Thaleia pero may kamay na na humawak sa braso ko para pigilan ako.

"Pasensya na kayo ma'am pero kailangan ninyo nang mailayo rito" sabi ng isa sa mga pulis at pilit akong hinihila palayo kay Thaleia.

"Sir, hindi ninyo naiintindihan. Wala siyang kasalanan. Iniligtas niya lang ako!" hagulgol ko habang pilit na hinihila ang mga braso mula sa kanila.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon