𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 5: 𝐓𝐡𝐞 𝐌𝐢𝐬𝐜𝐡𝐚𝐧𝐜𝐞

7.5K 184 82
                                        

"Avi, c'mon! Stop sulking like a baby" komento ni Klinton habang nakapokus lang ang mga mata niya sa daan.

"Mukha ba akong nagtatampo? Ang sinasabi ko lang naman kase dapat 'di mo na ako hinatid. Kapag nalate ka lagot talaga tayo kay tita niyan" pagpapaliwanag ko.

Kanina pa ako nagpapaliwanag ng mahinahon pero siya lang naman itong nagpupumilit na nakikipagtalo ako sa kaniya. Parang timang eh. Pinakaayaw kase ni tita Martha sa tao ay iyong pagiging late comer. Bawat minuto sa kaniya ay mahalaga kaya pati ako kinakabahan sa pinaggagawa niya eh.

Hindi na ako nakipagtalo pa dahil nasisira lang ang mood ko sa kaniya. Nasstress na nga ako nitong nakaraang mga araw tapos dinadagdagan niya pa.

Maya-maya pa ay narating na namin ang NHU. Ilang minuto na lang din ay magsisimula na ang klase nila pero nandito siya at hinatid pa ako.

Lumabas ako ng kotse niya nang hindi hindi siya nililingon.

"Wala ba akong good bye at thank you diyan?" he said as he got out of the car.

"Thank you. Pumasok ka na" walang gana kong sagot.

"Avi, please. Wala namang masama kung hinatid kita ngayon. Maaga pa naman"

Hindi ko na ito sinagot pa at nagdire-diretso na lang sa paglalakad. Sa hindi inaasahan ay bigla na lang lumakas ang ihip ng hangin na nagdahilan para mapuwing ang kaliwang mata ko.

"Taena. Buset!" pagrereklamo ko habang kinukusot-kusot ang mata ko.

Bigla ko na lang naramdaman ang pagpigil ni Klinton sa kamay ko.

"Don't scratch it. Mas maiiritate lang 'yan" maawtoridad nitong sabi bago ko naramdaman ang paghawak niya sa magkabilang balikat ko.

Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil kanina pa ako nakapikit.

"Hihipan ko para mawala" utos niya at para naman akong bata na tumango-tango sa kaniya.

Pagkahipan niya sa mata ko ay kinurap-kurap ko ito. Nawala naman agad ang dumi na nakapasok dito.

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at halos mapaatras ako nang bumungad sa akin ang mukha ni Klinton. It was an inch away from mine. Halos magkadikit na ang mga ilong namin sa sobrang lapit niya.

We stood there in an awkward position. Nakatitig lang kami sa isa't isa.

"Avika?" nagulantang na lang ako nang may tumawag sa pangalan ko.

Agad akong kumalas sa pagkakahawak ni Klinton at lumingon sa pinanggalingan ng boses. Pagtingin ko ay nakatayo sa gilid namin si Veronieka.

"Veronieka"

Naglakad ito palapit sa akin. Pabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Klinton na parang nagtataka.

"May boyfriend ka pala?" diretsang tanong niya na ikinatawa naman ng kaibigan ko.

"Nope. I'm not her boyfriend pero 'di natin masasabi" pagbibiro ni Klinton kaya agad ko itong hinampas sa braso.

"Oh I see. Akala ko boyfriend mo eh" saad na lang ni Veronieka habang nakatingin pa rin kay Klinton.

"Ladies, I need to get going. Pakialagaan na lang 'tong si Avi ha? Medyo clumsy kase" sabi pa ni Klinton.

Akmang hahampasin ko pa sana uli siya nang bigla na itong tumakbo sa kotse niya habang natatawa pa. Palaging happy eh.

Nagawa pa niyang kumaway mula sa loob ng kotse niya bago umalis.

"I don't like him" dinig kong sabi ni Veronieka kaya agad akong napalingon sa kaniya. Her face was dead serious.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon