Weekends ended too soon. Ni hindi ko naramdaman yung pahinga na sinasabi ko dahil sa kakareview ko for the midterm examination.
Maaga akong nagising ngayong araw kahit na mamaya pang 10:30 ang unang subject na itetake ko. Sa tingin ko pa ay hanggang ngayon nakasunod pa rin ang kamalasan sa'kin dahil first subject ko pa si Ms. Abenson. Hiling ko nga na sana si ma'am Zhariah muna ang magbigay ng exam.
Kakatapos ko lang maligo at mamaya-maya din ay papasok na kami kaya nagbukas muna ako ng social media. Nakakapagod din magreview nang magreview ano.
99+ notifications
50+ messages
800+ friend requests
Simula nung matapos ang pageant ay panay na ang dating ng mga notification sa'kin pero 'di ko na lang pinagiintindi. Up until now, I still couldn't believe that I got the 2nd place after all what happened. Pakiramdam ko ay isa lang panaginip ang mga nangyari. Iisa lang ang pinagtataka ko, sa nagdaang mga araw wala pang lumalabas kahit na anong pictures o videos tungkol sa nangyari nung swimwear competition. Hindi naman sa hinihintay kong kumalat yun kaso nakakapagtaka lang talaga.
Ilang minuto lang ang tinagal ko sa phone. Puro kaganapan lang naman sa pageant ang laman ng feed ko which is nakakaumay na.
Hindi pa man ako nakakababa ng hagdan ay dumating na agad ang mga kaibigan ko. Pagtingin ko sa orasan ay mag-9:30 pa lang ng umaga.
Mabilis akong bumaba at pinagbuksan sila ng gate.
"Bakit ang aga ninyo?" agad kong tanong habang papasok sila sa loob ng bahay.
"Eh paano 'tong si Veronieka takot na takot malate. 7 AM pa lang tinawagan na ko bitin tuloy ang tulog ko" nakasimangot na sagot ni Everlee sabay upo sa couch namin.
"Of course gigisingin talaga kita ng maaga para makapagreview pa tayo pagdating dun. Anong gusto mo pagdating natin dun sasalang agad tayo sa exam? Also, it wasn't my fault kung puyat ka. Kakalaro mo ng ML 'yan" panenermon ni Veronieka sabay upo sa kabilang dulo ng couch.
"Oh sinisisi mo nanaman yung paglalaro ko? Ikaw nga 'tong may muta pa ata tatawag agad. Grabe daig mo pa si mommy kung manggising"
"Palibhasa matigas ang ulo mo kaya 'di ka na ginigising ni tita. You didn't even review last weekend tapos ang lakas pa ng loob mong maglaro"
"Grabeng ingay mo. Pwede ka ng pumalit kay mommy tapos ang itatawag ko sa'yo mommy Dora palibhasa reklamadora ka" pang-aasar pa ni Everlee.
Sasagot pa sana si Veronieka ngunit humarang na ako sa pagitan nila.
"Teka nga pwede bang tumigil na kayong dalawa? Kaaga-aga para nanaman kayong aso't pusa" saway ko habang nakapamewang. Jusko para akong nanay na nagsasaway ng mga anak ko.
Agad naman silang nanahimik at tumalikod sa isa't isa. Habang tinitingnan ko sila ay napapailing na lang ako.
"Avika, almusal nga. Hindi na ako nakakain kanina" pagbasag ni Everlee sa katahimikan.
"Tumigil ka nga. Aalis na tayo ngayon" pagsabat uli ni Veronieka.
"Ayan nanaman. Pati pagkain bawal na rin" parang batang nagmamaktol na turan ni Everlee.
Ayoko na. Suko na ko.
Umupo na lang ako sa kabilang couch habang hinihintay silang matapos.
"Shut up" pagkasabing-pagkasabi ni Veronieka nun ay tumayo si Everlee at nagpapadyak palabas ng bahay. Katangkad-tangkad na tao pero parang bata kung magtampo.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)
RomanceHillcrest Girl's Series #1: TANGLED HEART (Professor x Student) "Everyone has a secret to keep. It's just there are secrets that you wouldn't dare to let out" In a university full of elites, Avika Monterey got luckily accepted into North Hillcrest U...
