𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 47: 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦

4K 131 27
                                    

TW: Use of strong languages! Read responsibly!


Shutting my eyes open, I gasped for an air to breathe. Hingal na hingal ako matapos habulin ni Klinton.

"What happened?" isang boses ang nagsalita sa tabi ko. I tilted my head to its direction and I was welcomed by her worried face. I leaned over and plunged myself to her chest, letting my tears stream.

Isang yakap ang ibinigay niya sa akin. Akala ko naulit nanaman yung nangyari. Akala ko mawawala na sa akin ang lahat.

"It's fine. I'm here. No one can hurt you again" she whispered which gradually soothe the dread that consumed me while her fingers were carefully stroking my back.

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya sa takot na baka dumating yung oras na pati siya ay kuhain sa'kin. It happened before so it's not impossible to happen again knowing we just had run off from everyone, from our families, friends, and authorities. Walang kasiguraduhan kung hanggang kailan kami magsasama rito bago mangyari ang kinakatakutan ko.

"Please don't leave me" I told her but silence enveloped us. Mabilis akong napahiwalay mula sa pagkakayakap at maiging pinagmasdan ang reaksyon niya.

"Bakit ba ayaw mong sumagot kapag sinasabi kong huwag mo kong iiwan? Ano may balak ka ulit umalis?" pinaghalong takot at inis ang lumalamon sa'kin ngayon. Nakakainis lang kaseng isipin na handa akong samahan siya kahit saan but it seems like she has no plan on doing the same thing. I feel like I'm in a one sided relationship although what's between us is still clouded and unsettled. Hindi ko alam kung magkaibigan ba kami, o professor ko siya, o kung may nararamdaman din ba siya para sa'kin? Ang daming nangyayari pero walang kasiguraduhan kung ano kami.

Her eyes became fidgety as if she wasn't comfortable talking about this until she averted her gaze on the wall. Napasuklay na lang ako sa buhok ko sa inis.

"Alright, I'm sorry. Nakalimutan ko, estudyante mo nga lang pala ako at wala akong karapatang magtanong ng ganoong klaseng bagay sa'yo" untag ko bago tumayo.

Tumalikod na ako at naglakad palabas ng kwarto, umaasang baka pigilan niya ako at sagutin ang katanungan ko kanina pero wala. Katulad dati ay hinayaan niya lang akong umalis.

Dire-diretso akong naglakad hanggang sa marating ko ang baybayin. Agad na sumalubong sa akin ang tirik na tirik na araw. Hindi ko ininda yun kahit ang hapdi na sa balat.

I walked further until I reached the boundary, seeing a huge tree nearby, I halted and sat there. Kinalma ko muna ang puso kong ang lakas ng tibok bago tiningnan ang paligid. Medyo malayo na 'to sa rest house dahil hindi ko na maaninag pa ang dagat kung hindi puro puno na ang nakikita ko. Ganoon na lang ba ang inis na nararamdaman ko para makapaglakad ng ganto kalayo?

Last night, dito kami dumiretso sa isang remoted island kung saan literal na kaming dalawa lang ang tao. The place looks like a beach resort at first glance pero kung lilibutin mo ay malalaman mong wala talaga siyang katao-tao o kabahayan man lang except for the rest house that we're staying in right now.

Napailing ako. Nakakatawang isipin na ako pa ngayon 'tong nagmamaktol gayong ako naman din ang may gusto nito but I can't help it. Takot na takot akong maiwanan nanaman niya pero parang wala lang sa kanya yun. Pakiramdam ko tuloy ipinagsisiksikan ko lang ang sarili ko sa kanya gayong sinabi na niya noon na hindi niya kailan man ako nagustuhan. Ang sakit isipin na nagagawa kong ipilit ang sarili ko sa taong malayong-malayo ang agwat sa'kin kahit saang estado. Para akong isang basahang nakatuntong sa isang ginto.

Nakatulala lang ako roon habang pinag-iisipan yung sitwasyon namin ngayon. Bukod sa kanya ay ang daming tanong na nasa isip ko ngayon na wala rin namang makakasagot kagaya ng kung nakaligtas ba si Klinton? Pinaghahanap na kaya kami ng mga pulis? Sina mama kaya, baka sobra na ang pag-aalala ng mga yun.

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon