𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 45: 𝐕𝐞𝐧𝐠𝐞𝐚𝐧𝐜𝐞

5.2K 147 46
                                        

Trigger warning: Mentions of drug!

Nagising ako sa isang nakakasilaw na liwanag. I gradually adjusted my eyes to the lights that almost blinding me until I vividly saw a white ceiling.

Saglit kong inalala yung mga nangyari at kagyat akong napabangon nung mabilis na umagos sa memorya ko ang mga senaryo magmula nung nag-usap kami ni Ms. Abenson sa office niya hanggang sa uminom ako sa bar at yung huli, yung nakita ko siya na nakatingin sa'kin.

Tila hindi ata kinaya ng ulo ko yung pag-iisip at biglaang pagbangon ko ay ganoon na lang ang pagkirot nito kaya napahawak ako sa sintido bago marahang bumalik sa pagkakahiga. Parang binibiyak yung ulo.

Nang medyo mawala yung sakit ay muli kong iminulat ang mga mata bago pinagmasdan ang kapaligiran ko. Kahit na hindi sabihin ay alam kong nasa ospital ako.

Napatingin na lang ako nung bumukas yung pinto at iniluwa noon si Ms. Abenson na halatang nabigla nung makita ako. May hawak siyang plastic bag sa magkabilaang kamay.

She quickly collected herself and turned her heels to where I was lying.

"How are you?" her cold voice immediately crept in my ears. Totoo pala yung huling parte ng naalala ko. Dumating talaga siya kagabi.

Hindi ako sumagot at inilihis ang mga mata papunta sa harapan ko.

"Bakit ako nandito?" tanong ko.

"You lost conscious last night and based on the lab test result, you intake too much dose of sleeping drug" walang kagana-gana niyang sabi kaya napalingon agad ako sa kanya. Her eyes look so tired.

"A-Ano? Sleeping drug?? Paano nangyari yun??" sunod-sunod kong tanong.

"No one knows. Sino ba ang kasama mo kagabi? Hindi ba si Cervantez? Why don't you ask her?" sagot nito at naglakad papuntang sofa. Umupo siya roon at ipinagkrus pa yung mga bisig.

"Are you saying na si Justine ang may gawa nun?" I asked puzzled.

"Hindi ko sinasabing ganon. Ang sinasabi ko siya ang tanungin mo, hindi ako. If I didn't come right on time what do you think will happen? Hindi ka talaga nag-iisip" tila napipikon niyang untag kahit na ang ayos-ayos ng usapan namin kanina. Paano ako makakapag-isip nang tama kung ikaw na lang ang umuupa rito nang walang bayad?

Hindi na lang ako umimik para hindi na humaba pa yung usapan.

"Your mom will go here later. Siya na ang mag-uuwi sa'yo" pagputol niya sa mahabang katahimikan.

"Also, I want you to forget everything we'd talked yesterday" dugtong nito kaya tumingin ulit ako sa kanya. She was staring right at me stoic.

"What do you mean?"

"Starting today, I will focus on the loads of my work alone as well as you're going to focus on your study as one of my sponsored students. Huwag mo na rin akong pupuntahan sa office kahit kailan. If you have concerns about the university then go straight to Ashleigh. She's the president and she knows how to answer your questions professionally"

Pakiramdam ko ay may tumutusok sa dibdib ko sa nadinig. Sinusumpong nanaman ba 'to? Aware ba siyang iba ang epekto ng mga salitang sinasabi niya sa'kin?

"Ano bang sinasabi mo? Ginagawa mo ba 'to dahil sa pag-amin ko sa'yo kahapon?"

"Let me get this to the point, Monterey. What you're feeling toward me is plainly because you've already attached to the concept of me being your childhood friend. Perhaps, I was at fault too. I should have think better than this as I have the authority than you. I've been impulsive and made some decision that drastically affected our relationship between student and professor. Now, I want to put everything in line again. Kung ano man yung mga nangyari, let us forget about it"

𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon