Maya't maya ang tingin ko sa pintuan ng kwartong 'to. Nung isang araw ko pa hinihintay na ipatawag ako sa office ng University President pero hanggang ngayon ay wala pa ring dumadating. Hindi sa hinihiling ko na sana ipatawag nga ako pero alam ko namang doon din hahantong ang lahat pagkatapos kaming mahuli ni Ms. Abenson. Bawat takbo ng oras ay siyang kaba ko na baka bigla akong tanggalin sa pagiging Dean's lister.
"Pinapaalala ko lang sa inyo first years na may dalawang araw na lang kayo bago ang deadline ng individual research ninyo. I would not give you chance anymore na magpasa pa sa lunes. No research then lower grades" anunsyo ni Mrs. Prani, halos dumagundong pa ang boses nito sa buong kwarto.
Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa inis.
"Hays paano ba 'to?" bulong ko sa sarili sabay gulo ng buhok ko. Literal na ngayon ko lang naalala ang research na 'yan kung hindi pa niya pinaalala.
"Ayos ka lang?" tanong ng katabi kong si Pristine.
"Ako oo ko pero yung research ko hindi" sagot ko.
"Why? Wala ka pang gawa?"
"Ganon na nga"
"Sa tingin ko may problema ka nga. If you want I can make your research tutal wala naman na akong gagawin mamaya" sabi niya pero agad akong umiling.
"Naku hindi na. Kaya ko naman gawin kaso nagkapatong-patong na yung gawain ko. Ganto ata talaga kapag kulang sa tulog. Hindi makapagfocus" pag-amin ko. Bukod sa pagiging aligaga ay dalawang araw na rin akong hindi makatulog nang maayos. Ang daming gumugulo sa isip ko na halos malimutan ko na pati mga school work ko.
Saglit niya akong tinitigan.
"Hindi pa naman tayo masyadong close pero 'wag kang mahihiya humingi ng tulong sa'kin" sabi niya at ngumiti.
"Thanks, Pristine"
Nang idismiss na ni Mrs. Prani ang klase ay tila mas lalo akong ninerbyos. Si Ms. Abenson na ang susunod kong professor kaya hindi ko alam kung anong mukha pa ang ihaharap ko sa kanya. She's fuming that time at hindi malabong ganoon pa rin ang mararamdaman niya kapag nakita niya ako.
Pababa na lang ako sa hagdan nang mamataang dumaan si Ms. Abenson sa hallway. May bitbit siyang tatlong makakapal na libro pero tila wala lang sa kanyang bitbitin ang mga ito.
Tumigil muna ako at sinilip siya mula sa hagdan.
Nakita kong may lumapit sa kanya na kapwa niya professor na lalaki. Sa pagkakatanda ko siya yung pinag-uusapan ng lahat na bagong pasok na professor dito. The rumors are true dahil hindi maipagkakailang may panama si sir pagdating sa itsura at ang katawan halatang laman siya ng gym.
"Uh, ma'am ako na ang magbubuhat niyan para sa'yo" dinig kong offer ni sir kay ma'am. Ilang hakbang lang naman ang layo nila sa kinakatayuan ko kaya malamang aksidente kong madidinig 'yon.
Kita ko kung paanong malamig lang siyang tinitigan ni Ms. Abenson.
"I don't need anyone's hand just for these books. I can bring these on my own" tila walang interes na sagot ni Ms. Abenson.
Nakita kong napakamot ng ulo si sir.
"Pero ma'am hindi bagay sa magandang tulad ninyo ang magbuhat ng mga mabibigat na bagay" tila ayaw pang sumuko ni sir kaya medyo napatawa ako.
"At hindi rin bagay sa katulad mo ang mangialam kung anong dapat at hindi ko dapat gawin. I didn't know na may binabagayan na pala ngayon ang pagbubuhat ng libro, Mr. Davis?"
BINABASA MO ANG
𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐄𝐃 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 (𝐆𝐗𝐆) (Completed)
RomanceHillcrest Girl's Series #1: TANGLED HEART (Professor x Student) "Everyone has a secret to keep. It's just there are secrets that you wouldn't dare to let out" In a university full of elites, Avika Monterey got luckily accepted into North Hillcrest U...
