Dedicated to maricelfaithvargas
"Things are made with purpose. There may be times when you don't know what it is all about, but eventually you'll know and understand what it will do to you and to all the things around you."
—❇️—
Maganda ang gising ko ng araw na ito. Hindi ko alam kung bakit but I just feel so good today.
Matapos makapagbihis ay inayos ko na ang mga gamit ko para sa school at saka ako lumabas ng aking kwarto. Pagkababa ay nagdirediretso na ako sa dining room kung saan kumakain na sina mama at papa, at ang dalawa kong kapatid.
"Good morning ma," bati ko kay mama nang pumasok ako. Nilapitan ko siya at sabay na hinalikan sa kanyang pisngi. Napangiti naman siya sa akin at ginantihan din ako ng halik sa aking pisngi.
"Good morning too darling," bati niya. Hinaplos niya pa ang aking mukha kaya mas napangiti ako sa kanya. Nilingon ko naman si papa na nakaupo na habang may hawak na news paper at nagbabasa. Nilapitan ko rin siya at binati.
"Pa, good morning." Tulad nang pagbating ginawa ko kay mama ay hinalikan ko din si papa sa pisngi niya. Ngumiti naman si papa at tinanguan ako kaya sina kuya and Aila naman ang nilapitan ko. Abala ang dalawa sa paghahanda ng kani-kanilang oatmeal nang makalapit ako.
"Good morning kuya," bati ko sa kanya. Niyakap ko pa siya nang napakahigpit kaya napangiti siya. Hinarap ko na rin si Aila na tinaasan pa talaga ako ng kilay. I smiled to her playfully. "And good morning baby Ai," nakangiti kong sabi na ikinanguso niya. Hindi ko nalang pinansin ang protesta nito at agad ko siyang dinamba ng yakap.
"Ate! Huwag mo nga akong tawaging baby," nakasimangot niyang reklamo pero napatawa lang ako.
"Baby ka pa rin namin kahit anong gawin mo." Dinilaan ko siya kaya mas napasimangot siya. Napatawa tuloy kami ni kuya.
Hindi na kapani-panibago iyong mga kinilos ko ngayon-ngayon lang. Ganoon naman talaga ako kasweet sa kanila. Kahit na hindi na kami mga bata ay ganoon pa rin kami kung maglambingan, kami kasi iyong pamilyang hindi nagkakailangan.
"Kumain ka na, baka ma-late ka," sabi ni mama kaya naupo na ako. Inabot niya sa akin ang bacon kaya naglagay ako nito sa plato.
"Thank you ma," pasalamat ko at nilagyan ko rin ng kanin at hotdog ang plato ko at sinimulan ko nang kumain.
Nang malaman kong paalis na si papa ay binilisan ko na ang kumain. Gusto kong sumabay sa kanya paalis para makatipid sa oras. Madalas kasi ay ipinapahatid na lang kami ni mama kay manong Jose. Ang school ni Aila ang mas malapit sa bahay kaya siya ang nauuna sa ihatid kaya madalas akong naghahabol ng oras para hindi ako ma-late.
Nang marating namin ang school ay ibinaba lang ako ni papa sa may entrance. Mahihirapan na kasi siya kapag papasok pa siya sa school ko. Nilakad ko nalang ang medyo malayo-layo pa naming college building, mabuti nalang talaga at dumating ako doon on time-hindi ako late at hindi rin ako masyadong maaga. Mas gusto ko na ang ganito, ayaw ko kasing ma-late at ayaw ko rin naman iyong naghihintay pa. Gusto ko lang ay on time ako, no rush and no waiting.
Pumasok agad ako sa assigned classroom namin nang marating ko ito. Tinabihan ko ang best friend kong si Gelou na mukhang tulad ko'y kakarating lang din. Masaya naman kaming nagkwentuhan habang hinihintay namin ang pagdating ng professor namin.
"Okay, sino ang gustong isolve itong problem?" tanong ni sir Aeil na professor namin sa subject naming Mathematical Analysis 2. Kasalukuyan niyang tinuturo sa amin ang chain rule for solving the derivatives of the given functions.
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...