RHAECA
The facilitator just announced the winner of the flag hunting race kaya nagpalakpakan ang lahat. Napalapit ako sa nanalo at binati sila.
“Congratulation!” nakangiti kong sabi kina Chris at Maelyn. They are the ones who won the race. Napalingon sa akin ang dalawa at nginitian ako.
“Salamat Teo,” nakangiting sabi ni Chris sa akin. Napangiti din si Mae and she mounted the word ‘Thanks’ to me. Inakbayan ni Chris si Mae and they both smiled to each other. Ang cute nilang tingnan na dalawa. Ang sarap nilang panoorin, para lang silang couple na punong-puno ng pagmamahalan.
"Mananalo sana tayo, kung..." Nahinto ako sa pag-iisip nang magsalita bigla si Teo. Napalingon ako sa kanya at tiningnan siya nang masama. Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil sa ginawa ko. Nag-iwas agad siya ng tingin, sumimangot, at naikunot pa ang noo.
Why did he say that?
Tinaasan ko siya ng kilay at hinarap ko ulit sina Chris. I smiled to them shyly.
"Oh well, I am happy that you guys won. You did your best kaya kayo ang nanalo. Congratulations!" Nginitian ko sila nang ubod ng tamis para hindi nila mapansin ang inaasal ni Teo.
Ano ba kasi ang nangyari sa isang ito at ang init ng ulo? Naiinggit ata kina Chris dahil sila ang nanalo sa activity namin kanina. Tss! Ang O.A. niya ah.
"Hindi naman kami mananalo kung hindi niyo kami tinulungan kanina," nakangiti pang sabi ni Chris at pareho silang napatingin ni Mae kay Teo.
Mukhang narinig nga nila ang sinabi ng Sungyoso'ng ito. Tss! Ako mismo ang nahihiya sa ginawa niya.
"Uhm...wala naman iyon eh. Kahit na sino ay gagawin din ang ginawa namin." Napatingin din ako kay Teo na hanggang ngayon ay iwas pa rin ang tingin. Tss! Nakakainis talaga siya.
"O sige, aalis na kami. Magkita na lang tayo mamaya." Nang tanguan ko ang dalawa ay naglakad na agad sila paalis.
Nang masigurado kong nakaalis na nga silang dalawa ay hinarap ko si Teo at binigyan siya nang matalas na tingin.
"What was that for?" inis na inis kong sabi sa kanya. Nag-angat siya ng ulo at itinuon sa akin ang paningin niya. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin kaya mas naiinis tuloy ako ngayon sa kanya.
"Teo!" Napangiti siya at agad ding tumawa. "Hey! What's your problem?"
Kanina ay naiinis siya. Ngayon naman ay tatawa siya? Bipolar lang ang peg? Tsk!
"Ano ba ang kinain mo at ganyan ang inaasal mo ngayon?" seryoso kong sabi at tinitigan ko pa siya.
Napahinto siya sa pagtawa at tiningnan ako. Hindi pa rin naaalis sa labi niya ang mga ngiti niyang iyon.
"Ang cute ko pala kapag naiinis," aniya na nagpakunot ng aking noo.
Ano daw? Cute? Siya?
"Anong sabi mo?"
"Wala! Tara na nga." Hinila niya ang kamay ko at naglakad na kami papunta kina Gelou. Hindi ko pa rin naialis ang kunot sa aking noo. Ano ba kasi iyong sinasabi niya? Naguguluhan talaga ako.
• • •
Napatitig ako sa phone ko na siyang gamit na ni Teo. Nakalapag ito sa table at malakas na nagri-ring, mukhang may tumatawag ata.
"Sino ang tumatawag?" tanong ko at naupo ako sa tabi ni Gelou.
"Jetrix," seryosong sabi ni Gelou at napasimangot pa.
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasiaTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...