Natapos ang araw na suot suot ko ang bago kong biling polo, at nangangati na talaga ako. Ewan ko nga kung bakit, eh dati-rati ay nagsusuot naman ako ng mga damit na kakabili lang at hindi pa nalalabhan, hindi naman ako nangangati. ’Di kaya sensitive tong si Teo? Wow! Sosyal.
“We need to talk.” Napalingon agad ako nang marinig ko ang boses ko. It’s Teo.
Iniwas ko ang tingin ko at inayos nalang ang mga gamit ko. Kami nalang ang nandito sa classroom dahil nakauwi na ang iba.
“Ano bang naisip mo at isinuot mo yung polo?” panimula nito kaya naikunot ko ang aking noo. Polo na naman? Ano ba kasing meroon sa polong yun?
“Bakit? Bawal ba?” tanong ko.
“YES!” maawtoridad nitong sagot dahil para mapatingin ako sa kanya. So, bawal nga talaga.
“Bakit naman bawal?” naiinis kong sabi, nafrufrustate na ako sa pagbabawal niyang suotin ko yun. Nakakainit ng ulo.
“Basta. Huwag mo na ulit yang susuotin,” ani nito at tinalikuran na ako. Oh my God Teo! Paano ko maiintindihan ang pagbabawal niya kung ayaw niyang sabihin. Nakakainis!
Sa inis ko ay padabog akong lumabas ng classroom at naglakad palabas ng building. Iniwan ko siya sa classroom at dirediretsong naglakad.
“Hoy Rhaeca!” Dinig kong tawag niya pero hindi ko siya pinansin. Sumunod pala siya sa akin. Bahala siya sa buhay niya. Wala naman akong pakialam sa lalakeng yon. Nagswap lang naman kami eh. Ano bang dapat kong pakwalaman sa buhay niya? Tss! “Rhaeca.” Muling pagtawag niya pero hindi ko ulit pinansin.
“RHAECA!” Napahinto ako nang maramdaman ko ang kamay niya na humawak sa kamay ko. Naabutan niya pala ako?
Napatingin ako sa kanya, at tinaasan ko siya ng kilay.
“Ano bang kinakagalit mo?” kunot noo nitong tanong dahilan para mag-init ang ulo ko. Ako pa talaga ang galit? Teka nga! Binabaliktad niya ata ang nangyayari ah!
“Teka Teo! Sino ba sa atin ang nagalit nang sinuot ko ang polo mo? Ako ba? Ako ba Teo?” pasarcastic kong sabi. Binabaliktad niya kasi ang sitwasyon eh.
Tumaaas ang kilay niya at tiningnan ako nang masama. Mukhang nainis na siya ah! Well, bahala siyang mainis. Iniinis niya rin ako kaya quits na kami.
“Rhaeca? Teo?” Natigilan kami ni Teo nang marinig namin iyon. Sabay kaming napalingon sa tumawag sa amin at pareho kaming nagulat nang makita namin ang babaeng nakakunot noo. Nasa harapan namin si Gelou at nanlalaki ang mata na nakatingin sa amin.
Oh my God! Ngayon ko lang naalala na magkahawak pala ang kamay namin ni Teo. Hinila ko agad ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Teo.
Si Teo kasi eh, hinila-hila pa ang kamay ko, para tuloy kaming magkaholding hands na dalawa. Baka kung ano-ano na yang iniisip ni Gelou ngayon.
“O-okay lang kayong dalawa?” tanong nito Gelou pero hindi kami nakasagot ni Teo. Walang lumalabas na boses sa bibig ko kahit na gusto kong mag-explain. Ewan ko ba kung bakit wala akong masabi. Pati si Teo ay nakatayo lang sa tabi ko, SPEECHLESS tulad ko.
“Uhm... sige. Balik lang ako sa classroom, may naiwan kasi ako.” Aniya at nginitian niya kami bago niya kami daanan. Nang mawala siya sa paningin namin ay doon lang ako nakapagsalita. MY GOSH! Ano bang problema sa vocal chords ko?
“Anong gagawin natin?” naitanong ko kay Teo. Parang nawala lahat ng inis ko kay Teo dahil sa nangyari. Pero naikunot ko ang aking noo nang hindi ako sinagot ni Teo. Ano bang problema nito?
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasiTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...