CHAPTER 3: Swap

975 28 0
                                    

Napahawak agad ako sa aking ulo nang makaramdam ako nang sobrang sakit dito. Minulat ko nang unti-unti ang aking mga mata at saka tiningnan ang paligid. Ano ba ang nangyari?

Ilang beses kong ipinikit-dilat ang aking mga mata dahil puro puti lang ang aking nakikita. My vision is somewhat blurry and the too much lighting is making my eyes hurt.

Nasaan ba ako? I asked myself habang pilit na sinusuri ang kinaroroonan ko.

“Anak, okay ka lang ba?” Natigilan ako nang marinig ko iyon.

“Ma?” tanong ko kahit na hindi ko pa naaaninag ang mukha niya. Hindi ako sure kung si mama nga iyon dahil hindi ko siya makita nang maayos. Iba ang boses niya pero dahil tinawag niya akong anak ay baka si mama nga iyon.

I flinced nang subukan kong bumangon. Nakaramdam kasi ako ng sakit sa aking dibdib. My head is killing me at pati na rin ang buong katawan ko ay sumasakit rin. Ano ba ang nangyari sa akin? Bakit ang sakit-sakit ng katawan ko?

“Doc, he’s awake,” I heard a man said. Naikunot ko ang aking noo. He’s awake? Sinong gising na?

Ilang beses pa akong pumikit at dumilat para palinawin na ang paningin ko. Nang luminaw na ng tuluyan ang aking paningin ay inilibot ko agad ang aking tingin sa buong kwarto. Natigilan ako when I saw unfamiliar faces. Marami silang nakapalibot sa akin at tinitingnan ako. Naikunot ko ang aking noo habang isa-isa ko silang tiningnan. Sino ba sila?

“Anak, okay ka lang ba?” a woman around 50’s and has this worried and confused look asked me. “May masakit ba sayo?” dagdag niya. Naguguluhan akong lumingon sa kanya.

“Po?” I asked. Bumangon ako at saka naupo para maayos ko silang matingnan. Anak? Bakit niya ako tinawag na anak?

“Dahan-dahan lang,” saway niya sa akin nang gumalaw ako. Inalalayan niya pa ako kaya medyo naging uncomfortable ako. Diretso akong napatingin sa kanya nang nakaupo na ako nang maayos.

“Nasaan po ba ang pamilya ko?” tanong ko sa kanila. Bakit sila ang nandito? Si mama at papa? Si kuya at si Aila? Nasaan sila?

“TEO!” Nagulat ako nang magtaas ng boses sa akin ang babae. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Teo? Did I heard it right? He called me Teo?

“Po?” Bakit tinawag niya akong Teo? Inilibot ko ang aking tingin sa iba pang nandito. Lahat sila ay nagtatakang nakatingin sa akin. Para bang may ginawa akong masama kung paano nila ako tingnan.

“Tristan, tawagin mo ang doktor,” the woman instructed the guy standing beside the large sofa na mukhang matanda lang sa akin ng ilang taon. Tumango naman ito.

“Opo Ma,” sagot nito at nagmadaling lumabas ng kwarto. Mas napalapit naman sa akin yung ale at naupo pa siya sa tabi ko. She held my hand at dahan-dahan itong hinaplos.

“Teo, anak. Anong bang nangyayari sayo?” nag-aalala niyang sabi na seryoso akong tiningnan. Para na nga siyang iiyak habang nakatingin sa akin. Naikunot ko na naman ang noo ko. Naguguluhan na talaga ako sa pinagsasabi niya. Why is she calling me Teo?

“Teka po,” I cut her off. “Why do you keep on calling me Teo? Hindi po ako si Teo, I'm Rhaeca!” Ano ba ang pinagsasabi niya? Kanina pa siya Teo ng Teo. I'm Rhaeca Therese Favila, paano ako magiging si Teo?

She looked shocked after kong sabihin iyon. Hindi niya binitawan ang kamay ko at mas hinigpitan pa ang hawak dito. Hindi naglaon ay niyakap narin niya ako. Sa gulat ko ay naitulak ko siya, hindi siya makapaniwalang napatingin sa akin.

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon