“Lahat nang tinatago-tago ay lilitaw pa rin pagdating ng panahon.”
•••
Nilapitan ko si Gelou at hinawakan ko ang nakakuyom niyang kamay. "Gelou, umalis na lang tayo," I said to her. Ayaw ko siyang makitang masaktan because of Jairus, kaya gugustuhin ko na lang na umiwas kami.
"No!" Nabigla ako sa sagot niya. Tiningnan ko si Gelou at kita ko ang mga luhang nagpapatakan mula sa mga mata niya.
Iyan na nga ba ang sinasabi ko. She's now hurting.
Bigla nalang naglakad si Gabby papunta sa harapan namin ni Gelou at hinarang niya kami mula kay Jairus. Hindi umimik si Gelou. Hinigpitan ko pa ang hawak sa kanya para hindi niya puntahan si Jairus. Lumapit na rin sa amin si Teo at hinawakan niya naman ang kabilang kamay ko. Hindi na siya nagtanong kung ano ba ang nangyayari. Kagaya nang ginawa ni Gabby ay prinotektahan din kami ni Teo. Pareho na nila kaming pinoprotektahan ni Gabby at hinaharangan mula kay Jairus. Napangiti tuloy ako dahil kahit na walang alam si Teo ay ginawa niya pa rin ito. Ang swerte ko sa kanya.
Napahinto ako sa pag-iisip nang makita ko ang reaksyon nina Arcel at Jetrix. Nakatingin sila sa amin. Nakakunot ang noo ni Jetrix pero si Arcel ay halatang nasasaktan. Nakaramdam ako bigla ng guilt. I don't want to see Arcel hurting this way dahil nasasaktan din ako. I tried to pull my hands from Teo's hold, pero hinigpitan niya lalo ang hawak dito.
K-Kring, I'm sorry.
Ibinalik ko na ang tingin ko kina Jairus at Rhian. Ayaw kong ilagi ang tingin ko kina Arcel at Jetrix dahil mas masasaktan lang ako. Tiningnan ko ang mukha nilang dalawa. Nakayuko lang si Rhian pero si Jairus ay diretso ang tingin sa akin. Naikunot ko ang aking noo.
Bakit sa akin siya nakatingin?
"Gab," bigkas ko sa pangalan ni Gabby. Ayaw ko nang magtagal pa dito. Gusto ko nang umalis.
Hinarap kami ni Gabby. "Gelou, we need to go," he said at hinawakan niya agad ang kamay ni Gelou, pero hindi kumibo si Gelou. Nakatuon pa rin ang atensyon niya kay Jairus. Umiiyak pa rin siya at halatang galit na galit na.
"Gelou!" I begged. Kailangan na naming umalis dito. Ayaw ko na nang isa pang gulo. This is too much!
"NO! Three years is enough. Hindi na ako magiging tahimik pa." Hinila niya ang kamay niya at naglakad papalapit kay Jairus, pero napigilan agad siya ni Teo.
"Gelou!" saway niya rito. Tiningnan lang siya nang masama ni Gelou at hinila niya ulit ang kamay niya.
"You don't know anything Teo kaya huwag mo akong pipigilan." Nagulat si Teo sa sinabi niya. Ibinaba naman niya agad ang kamay niya at hinayaan na lang na makalapit si Gelou kay Jairus. Pero hindi ako makapapayag na makalapit siya, hindi siya pwedeng lumapit sa lalakeng yan.
Sabay kaming lumapit ni Gabby kay Gelou pero nang madaanan ko si Teo ay pinigilan niya ako.
"Teo!" reklamo ko. I tried to pull my hands pero ayaw niya akong bitawan.
Kailangan kong pigilan si Gelou. Ayaw kong lumapit siya sa lalakeng iyon. Ayaw kong mawalan ulit ng kaibigan.
I started to cry, pero hindi ko inaalis ang tingin ko kay Teo.
"Rhaeca. She's hurt, kailangan niyang maipalabas ang galit niya. Huwag mong hayaang habang buhay siyang masaktan." Natauhan ako sa sinabi ni Teo. Tiningnan ko si Gelou na hinaharang ngayon ni Gabby. Napayuko agad ako.
Tama siya. Kahit na tanggap na ni Gelou na wala na si Fritz, nasasaktan pa rin siya. Kung hindi niya haharapin si Jairus ngayon, habang buhay niyang dadalhin yung sakit. I'm too selfish.
BINABASA MO ANG
The Swap (COMPLETED)
FantasyTHE SWAP (UNDER REVISION) Genre: Fantasy | Mystery | Teen Fiction Nagising sina Teo at Rhaeca sa hospital matapos nilang masangkot sa isang road accident, kung saan nila nadiskubre na nagkapalit pala ang kanilang kaluluwa. Sa paghahanap n...